Panalangin ng Pasasalamat dahil sa Tagumpay

O magpasalamat kayo sa Panginoon, sapagkat siya’y mabuti; ang kanyang tapat na pag-ibig ay nananatili magpakailanman. Sabihin ngayon ng mga natatakot sa Panginoon, “Ang kanyang tapat na pag-ibig ay nananatili magpakailanman.” Tumawag ako sa Panginoon mula sa aking pagkabalisa, sinagot ako ng Panginoon, at inilagay ako sa maluwag na dako. Ang Panginoon ay para sa akin, hindi ako matatakot. Anong magagawa ng tao sa akin? Ang Panginoon ay kakampi ko kasama ng mga tumutulong sa akin, ako’y titinging may pagtatagumpay sa mga napopoot sa akin. Higit na mabuti ang manganlong sa Panginoon kaysa magtiwala sa tao. Higit na mabuti ang manganlong sa Panginoon kaysa magtiwala sa mga pinuno.

MGA AWIT 118:1,4-9

Amianan Balita Ngayon