LA TRINIDAD, Benguet – Iniutos ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang pagtanggal sa mga barangay checkpoints na inilagay sa kahabaan ng national at provincial roads ng mga local government units upang maging maayos ang daloy ng trapiko at hindi maantala ang paggalaw ng mga produkto at mahahalagang commodities sa panahon ng enhanced community quarantine sa buong Luzon.
Ito ay matapos ang mga reklamo partikular ang mga cargo carriers ng mga produkto at mahahalagang commodities na humahaba ang mga biyahe dahil sa barangay checkpoints.
Kailangan pang dumaan ang mga cargo carriers sa itinatag na checkpoints ng Philippine National Police at sumunod sa mga tuntunin kaugnay ng ECQ Kamakailan ay nag-isyu si DILG Cordillera Regional Director Marlo Iringan ng isang advisory base sa direktiba ng Pangulo at ng national IATF (Inter-agency Task Force for COVID-19) na “all barangay checkpoints in all national highways and provincial roads shall be removed as they impede the movement of goods and essential commodities in defiance of IATF guidelines.”
Sinang-ayunan ng mga trucker ng gulay papunta sa Manila at iba pang lugar ang direktibang ito. Maraming LGUs ang naglagay ng barangay checkpoints bilang hakbang upang ma-regulate ang paggalaw upang mahadlangan ang pagpasok ng coronavirus (COVID-19) sa kani-kanilang lugar.
Walang awtoridad ang barangay checkpoints na mag-inspect sa cargo vehicles DILG iniutos mula sa pahina 3 na may dalang mga produkto at iba pang mahahalagang commodities. Tanging ang PNP lamang ang pinapayagang mag-inspect sa cargo trucks, ani Iringan.
Niliwanag niya na kahit may order na tanggalin ang mnga nasabing checkpoints, ang mga ito ay maaari pa ring panatilihin basta awtorisado ito, pinamamahalaan at minomonitor ng PNP.
Ang trabaho ng barangay checkpoints ay nakatutok lamang na siguruhing ang mga taong lumalabas sa kanilang tahanan ay may kaukulang quarantine pass na inisyu ng may-kakayahang awtoridad, pahayag ni Iringan. Hindi kinakailangan maging pisikal na harang ang barangay checkpoints, maaari itong isang waiting shed, dagdag niya.
Samantala, pinaalalahanan ni Iringan ang mga trucker na kinakailangang magpakita sila ng health declaration form na makukuha sa kani-kanilang barangay, company ID card para sa mga driver kasama ang dalawang helper. Sasailalim din sila sa health protocols gaya ng thermal scanning at dapat gawin ang social distancing sa lahat ng panahon. Kinakailangan pa rin ang food lane pass na kailangang ipakita sa PNP checkpoints.
Nanawagan siya sa lahat na makiisa sa laban kontra COVID-19. “Hindi lang ito laban ng mga national government agencies, ng mga LGUs. Laban lahat natin ito. Kailangan pagtulungan natin itong lahat. Makinig tayo sa instructions advisories ng ating mga awtoridad at manatili sa loob ng ating mga bahay. Ito an gating paraan upang makatulong sa pagsugpo sa COVID-19 sa pinakamadaling panahon.”
We listen to the instructions advisories of our authorities and we just stay inside our houses. This is our way of helping in combatting the COVID-19 the soonest.”
SCA-PIA-CAR, Beng./PMCJr.-ABN
April 12, 2020