Photo Caption: Tinalakay ni Regional HIV Program Coordinator Darwin Babon ang resulta ng 2022 IHBSS sa ginanap na Regional AIDS Assistance Team meeting nitong Setyembre 15, 2023.
Photo: DOH-CAR
BAGUIO CITY
Pinagaaralan ng Department of Health-Cordillera at mga kinauukulang tanggapan ang mga maaari pang gawin upang mas maitaguyod ang paggamit ng condom bilang hakbang sa HIV prevention.
Kasunod ito ng resulta ng Integrated HIV Behavioral and Serologic Surveillance (IHBSS) noong nakaraang taon kung saan, lumabas na bagama’t marami ang nakakaalam sa gamit ng condom, hindi ganoon karami ang gumagamit ng nasabing proteksyon.
Ang mga survey respondents ng 2022 IHBSS ay edad 15 hanggang 63 kung saan, 52% sa mga ito ay estudyante sa Baguio City na kabilang sa tinatawag na key population o men having sex with men at transgender women. “96%, they know that condom can prevent HIV infection, they know what HIV is, but only 46% use condom.
The condom knowledge actually does not correspond or does not reflect on condom uptake. ‘Yun
‘yung medyo nakakalungkot,” si Regional HIV Program Coordinator Darwin Babon. Ilan sa mga kadahilanan ng hindi paggamit ng condom ng ilan ay ayaw ng partner na gumamit nito, at ang
tinatawag na unplanned sex.
Paliwanag ni Babon, ang unplanned sex ay isinagot ng mga estudyante na miyembro ng key population sa Baguio City na pumupunta sa mga “crossing sites” o mga lugar kung saan sila maaaring maghanap ng sexual partner. Dahil dito ay tinitingnan ng DOH ang posibilidad ng paglalagay ng condom access sites sa mga lugar na ito upang maproteksyonan mula sa HIV ang mga nagpupunta rito.
Kailangan din aniya na ma-reassess ang competency ng mga peer educators o mga nagbibigay ng serbisyo, at ang kapabilidad ng mga health workers na nagpapalaganap ng mensahe ukol sa paggamit ng condom. “Medyo gasgas na po ang ating istratehiya na ‘huwag muna kayong makipag-sex’, it’s not working.
We have to face reality that it’s not working, based on the numbers presented,” si Babon. Dagdag pa nito, kailangan din ang trainings sa mga stakeholders, at mapalakas ang partnership sa mga pamahalaang lokal at iba pang kinauukulan upang maitaguyod ang paggamit ng condom na makatutulong sa HIV prevention at iba pang sexually transmitted diseases.
(DEG-PIA CAR)
September 22, 2023
September 22, 2023
April 19, 2025
April 19, 2025
April 19, 2025
April 19, 2025