ILOCOS NORTE
Ang Department of Labor and Employment ay naglabas ng karagdagang PhP20 million para sa nagpapatuloy na implementasyon ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating mga Displaced/Disadvantage (TUPAD) workers sa iba’tibang bahagi ng probinsiya ng Ilocos Norte.
Kinumpirma ito ni Anne Marie Lizette Atman, manager of the Provincial Employment and Service Office, noong Miyerkoles na sa ngayon ay inihahanda na nila ang kanilang work plan at paglilista sa mga interesadong benepisaryo.
“As of the moment, we are now conducting profiling of the selected beneficiaries for the initial implementation of PHP10 million TUPAD program,” ani Atuan sa isang panayam, na idinagdag na ang mga napiling benepisaryo ay naatasang tumulong maglinis sa mga baradong daanan ng tubig
upang mahadlangan ang pagbaha sa panahong ng tagulan. Idinagdag pa ni Atuan na maitatalaga rin sila “na tumulong sa reforestration program ng probinsiya sa pamamagitan ng pakikilahok sa
tree planting activities gayundin sa fire prevention activities.”
Halos 2,000 mahihirap na manggagawa ang inaasahang mabebenipisyuhan mula sa pinakahuling paglabas ng pondo para sa TUPAD sa probinsiya na mabibiyayaan ang 21 bayan at 2 lungsod ng Ilocos Norte. Sa ilalim ng programang TUPA, bawat benepisaryo ay kailangang magbigay serbisyo
ng kahit apat na oras bawat araw sa loob ng 15 araw upang makatanggap ng PhP6,000 suweldo.
Sinabi ng DOLE na nakapaglabas na sila ng mahigit PhP450 milyon, nabenipisyuhan ang mga
walang trabaho, nawalan, o mga seasonal worker na may edad 18 at pataas mula nang magumpisa ang TUPAD program sa probinsiya.
Batay sa mga alituntunin, ang isang tao na walang permanenteng trabaho at hindi inatasan (appointee) ng barangay, municipal o provincial officials ay makakakuha saTUPAD program minsan sa isang taon.
(LA-PNA Ilocos Norte/PMCJr.-ABN)
September 29, 2024
September 29, 2024
September 29, 2024
September 29, 2024
September 29, 2024
September 29, 2024