Domogan sa Beneco: ilawan ang Burnham Park

Mar 31, 2018

Humingi ang pamahalaang lungsod ng tulong mula sa Benguet Electric Cooperative Inc. (Beneco) upang muling magliwanag ang kapaligiran ng Burnham Park sa gabi.
Ayon kay Mayor Mauricio Domogan, nagbigay ng sulat si Councilor Benny Bomogao sa Beneco board of directors upang ipatupad ang proyekto sa ilalim ng corporate social responsibility program at ito ay inaprubahan ni Beneco General Manager Gerardo Verzosa na may hiling na ang lungsod ay magbabayad sa metered consumption ng streetlights.
Subalit hiniling ng mayor na ang ikabit ng Beneco ang light emitting diode (LED) sa halip na high pressure sodium (HPS) upang mas matagal itong magagamit at mas cost-efficient.
Sinabi niya na ang kahilingan ay pinag-aaralan na ngayon ng lupon habang ang pormal na kahilingan ay ihaharap ni Councilor Bomogao sa konseho ng lungsod sa pamamagitan ng isang resolusyon.
Sa kaniyang sulat noong Pebrero 9 sa Beneco board, binanggit ni Bomogao ang kasalukuyang kondisyon ng lighting system sa Burnham Park dahil ang ilang bahagi ay hindi naiilawan nang maayos, ang ilan ay may ilaw subalit hindi sapat ang liwanag samantalang ang iba ay wala talagang ilaw at hindi na ligtas na pasyalan sa gabi.
“I recall that sometime in 2010, Beneco lighted the whole Burnham Park at no cost to the City with astounding result, a fully lighted park where it was safe to promenade. However, when DOE (Dept. of Energy) implemented its lighting project, the lighting systems installed by Beneco was decommissioned bringing to its present sad state,” ani Bomogao.
Sa tugon ni Verzosa na naka-address kay Domogan, inihayag niya na handa sila na “refurbish and enliven Burnham Park and recapture its reputation as the City’s main tourist attraction.”
“The electric cooperative humbly desires to provide streetlights, their fixtures and underground wires around the park at no cost to the city. Based on our survey, the area would need 111 pieces of 70 watt streetlights to be mounted on 100 steel poles. The fixtures and poles will cost P3,975,958.16 but Beneco is willing to shoulder the same,” hayag ni Verzosa.
“We request though that the City will pay the metered consumption of the streetlights with the use of four kWh billing meters at various locations. The bill is estimated to be more or less P30,000 a month.”
Ayon kay Beneco board president Rocky Aliping ay handang isakatuparan ng Beneco ang proyekto at binili na ang mga kinakailangang kagamitan kabilang ang mga bombilya ng HPS ngunit muling pag-aaralan ang plano sa ilaw na kahilingan ng alkalde para sa mga LED fixtures. A.P.REFUERZO / ABN

RELATED POSTS

BAGUIO BOOK FAIR

BAGUIO BOOK FAIR

The Development Board Association of the Philippines, with the support of the National Book Development Board of the Philippines, brings...

LATEST NEWS

TATLONG MAGKAIBIGAN ARESTADO SA KASONG PANGGAGAHASA SA KALINGA

RIZAL, Kalinga - Tatlong magkakaibigan na pawang sangkot sa panggagahasa noong 2011, ang inaresto ng mga tauhan ng Rizal Municipal Police Station, dakong alas-5:20 ng hapon, habang naghihintay ng bus papuntang Tuguegarao City sa junction ng Barangay Liwan. Kanluran,...

DEPAP

DEPAP

Men from the 13 municipalities of Benguet participate in the traditional pig catching as part of the Grand Canao event of the 122nd Benguet Foundation Anniversary thru the Adivay Festival at the Benguet Sports Complex on Wednesday. November 23, 2022. RMC PIA-CAR

IT BEGINS

IT BEGINS

Members of the Fil-Am Golf Invitational executive committee pose with Baguio mayor Benjamin Magalong after the ceremonial tee-off at the Baguio Country Club Thursday, Nov. 24 that signal the starts of the 72nd edition of the worlds largest amateur golf tourney. Some...

10 DRUG PERSONALITIES, NALAMBAT SA OPERASYON SA CORDILLERA

LA TRINIDAD,Benguet -- Arestado ang sampung drug personalities sa isang linggong anti-illegal drugs operation ng Police Regional Office-Cordillera na isinagawa mula Nobyembre 13 hanggang 19. Sa talaan ng Regional Operations Division (ROD) ng PROCOR, anim na drug...

BARANGAY MERGING ISINUSULONG NA SA LUNGSOD NG BAGUIO

BAGUIO CITY – Inaprubahan na sa unang pagbasa ng Sangguniang Panlungsod sa kanilang regular session noong nakaraang Lunes ang iminungkahing ordinansa na nag-aapruba sa pagsasanib ng 128 barangay ng lungsod mula sa 34 barangay lamang, na napapailalim sa mga limitasyon,...

MINE SAFETY FIELD DEMO

MINE SAFETY FIELD DEMO

The Philippine Mine Safety and Environment Association held its Mine Safety Demo and Competition at the Melvin Jones football field. Mining companies all over the country demonstrate their skills in Mine Safety and first aid response during the COVID-19 Pandemic....

ENCHANTED HOLIDAYS AT THE MANOR CAMP JOHN HAY

ENCHANTED HOLIDAYS AT THE MANOR CAMP JOHN HAY

Camp John Hay Development Corp. President Robert John Sobrepena leads in the lighting of the Christmas Tree and other lightings in the garden of Manor as a signal of the celebration of Enchanted Holidays in the Manor Camp John Hay . Art works of members of the City’s...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Amianan Balita Ngayon

Pin It on Pinterest