DOST ILOCOS NAGBIGAY NG LIBRENG MGA SERBISYO SA S&T SA BUWAN NG KABABAIHAN

ILOCOS REGION

Ang Department of Science and Technology (DOST) Region 1 ay magbibigay ng libreng science and technology (S&T) na mga serbisyo at tulong sa publiko, sa pagdiriwang ng National Women’s Month ngayong taon. Sa pamamagitan ito ng kanilang adbokasyang #SerbisyoParaKayJuana, ang
mga aktbidad na ito ay kabilang ang libreng calibration services noong Marso 6-10 sa mga probinsiya ng La Union, Ilocos Sur at Pangasinan, habang sa Marso 28-29 para sa Ilocos Norte.

Bilang karagdagan, isang livelihood training sa soap making para sa mga solo parents ang isasagawa sa Ilocos Norte sa Marso 21. Ang publiko ay nahandugan din ng 20 porsiyentong diskuwento sa laboratory services sa Regional Standards and Testing Laboratory na nasa loob na ng bakuran ng Don Mariano Marcos Memorial State University-Mid La Union Campus (DMMMSU-MLUC), tuwing Miyerkoles ng buwan.

Isa pa, magsasagawa rin ang DOST ng webinars na tinawag na Tekno PreSensya episodes na may mga paksa sa Georisk Orientation sa Marso 9, Women in Leadership: Advancing Gender Equality through Science Education sa Marso 16, at Women in Leadership: Advancing Gender Equality through Climate Action sa Marso 23. Ayon kay Dr. Teresita A. Tabaog, officer-in-charge sa Office of the Regional Director of DOST-I, ang kanilang opisina ay nakikibahagi sa pagbuo ng isang mas mahusay na mundo para sa kababaihyan sa pamamagitan ng mga programang ito.

“Together, we can create a better world for all women, and ensure that they are valued, respected,
and empowered to reach their full potential. We, at the Department of Science and Technology
Regional Office 1, are for gender equality and an inclusive society,” ani Tabaog. Gayundin, ang mga personnel ng DOST ay nagpapakita rin ng suporta sa pagsusuot ng kulay ube dahil ito ang opisyal na temang kulay ng Buwan ng Kababaihan

(KDM/Region 1/PMCJr.-ABN)

Amianan Balita Ngayon