AMIANAN POLICE PATROL

Most wanted person ng Ilocos Region,nasakote sa Tarlac

CAMP BGEN OSCAR FLORENDO, La Union

Isang magsasaka na tinaguriang No.1 Regional Top Most Wanted Person ng Rehiyon 1,na may kasong Statutory Rape, ang nasakote ng mga tauhan ng Police Regional Office-1 sa Barangay Papaac, Camiling, Tarlac,noong Marso 8. Sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Ruby Ann
Trayvilla-Peralta, Assisting Judge, Branch 55, Regional Trial Court, Alaminos, Pangasinan, na walang inirekomendang piyansa, ang suspek na si Roberto C. Andaya, Sr., ng Barangay Bolaoen, Sual, Pangasinan, ay dinakip ng mga tauhan ng Sual MPS, Pangasinan PPO, kasama ang Regional
Investigation Division – PRO 1, Provincial Intelligence Unit ng Pangasinan, PIDMU, at Alaminos CPS.

Nasa kustodiya na ngayon ng Sual Municipal Police Station ang arestado para sa kaukulang disposisyon. Pinuri ni BGen.John Chua,regional director,ang pagsisikap ng mga operatiba sa pag-aresto sa suspek. “Ito ay dapat magsilbing babala sa lahat ng nagtatago sa batas na hindi titigil
ang pulisya sa pagsasagawa ng ganitong uri ng operasyon.”

Zaldy Comanda/ABN

 

P18.9-M marijuana sinunog, 8 drug pusher nalambat sa Cordillera

LA TRINIDAD, Benguet

Ang pinaigting na pagsisikap ng Police Regional Office-Cordillera laban sa iligal na droga ay nag-resulta sa pagkakaaresto sa walong drug personality at pagkakasamsam ng kabuuang P19.1 milyong halaga ng iligal na droga sa isang linggong operasyon ng droga na isinagawa mula Pebrero 25 hanggang Marso 4. Sa datos ng Regional Operations Division (ROD), nakumpiska mula sa walong drug personalities ang kabuuang 21.50 gramo ng shabu na may kabuuang Standard Drug Price
na P146,200.00.

Sa walong drug personalities na naaresto, tig-tatlong arestado ang ginawa ng Abra Police Provincial Office at Kalinga PPO na sinundan ng Benguet PPO at Baguio City Police Office (BCPO) na may tig-iisang arestado. Sa Abra PPO, kinilala ang mga naarestong drug personalities na sina Alvin Anioay, 41; Jamaica Del Prado, 35; at Juby Tugadi, 59 habang si Romeo Mocay Jr., 35 ay naaresto ng
mga operatiba ng Benguet PPO. Naaresto rin ng mga operatiba ng Kalinga PPO sina Jonathan Talaue, 31; Marlon Mendoza, 27; at Rodelio Banosan, 32 habang si Jhunby Diaz, 40 ay arestado ng mga operatiba ng BCPO.

Lahat ng mga naarestong suspek ay nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Samantala, sa hiwalay na anti-illegal drug operation, pitong plantasyon ng marijuana ang nadiskubre sa probinsiya ng Benguet at Mt. Mula sa mga site na ito, may kabuuang 18, 673 piraso ng Fully-Grown Marijuana Plants (FGMJP), at 127,000 gramo ng Dried Marijuana Leaves at Fruiting Tops na may kabuuang SDP na P18, 974, 600 ang natuklasan, lahat ito ay sinunog pagkatapos ng dokumentasyon.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon