PAGGUNITA SA KABABAIHAN GINANAP SA LA TRINIDAD

LA TRINIDAD, Benguet

Nagkulay lila Ang La Trinidad Municipal Gymnasium sa paggunita ng National Women’s Day noong Marso 8. Sa temang “WE for Gender Equality at Inclusive Society”, sinimulan ang pagdiriwang sa pamamagitan ng makulay na parada na nagsimula sa kahabaan kg Km 6, La Trinidad, patungo sa municipal gymnasium. Dinaluhan ito ng iba’t-ibang women’s organization Ng
La Trinidad, kabilang narin ang ilan sa mga kabataan. Isa ito sa mga nakikitang paraan upang
mas maisulong ang maayos na pagtrato sa mga kababaihan sa bayan.

Ayon kay Miranda Bingcola, dating presidente ng La Trinidad Women’s Brigade, “datuy nga programa ti babae ket tapnu marecognize dagiti efforts wennu aniya dagiti arramindin ti babe when it comes to environment, peace and order, ken aniyaman dagiti daduma nga programa ti
women’s where they are involved” Ilan sa mga naging sentro ng selebrasyon ay ang Gender
Sensitivity Training at ang pagbibigay pugay sa mga naging Best Women Organization.

Samantala, isinusulong ni Benguet Province Board Member Marie Rose Fongwan Kepes na siya ring guest speaker ng naturang programa ang maayos na palikuran para sa kababaihan. “Haan lang nga basta cr, so as i have said a while back, we would like to empower women, usually babai met ti arajay nga agtattau, ajay site tu ti cr ket adda met lang ti livelihood na”, pahayag ni Kepes. Binigyang-diin ni Mayor Mayor Romeo Salda ang pagsasagawa ng Women’s Council sa munisipalidad. Ang nasabing council ay magiging bahagi sa pagpapatupad ng mga aktibidad para sa mga kababaihan.

Chasetine Glad Banig-UB Intern/ABN

Amianan Balita Ngayon