Sugatan ang driver at sakay ng motorsiklo matapos bumangga sa nakaparadang Toyota Fortuner bandang 1am ng Mayo 17, 2018 sa kahabaan ng Upper Magsaysay Avenue, Baguio City.
Sa imbestigasyon, habang binabagtas ng Rusi motorcycle scooter na may MV file no. 1401-0036738 na minamaneho ni Armando Balong Naparan, 19anyos, residente ng Darigayos, La Union, ang pakurbang bahagi ng kalsada nang biglang mabangga ang kaliwa parte ng nakaparadang Toyota Fortuner wagon na may plakang YDT 620 na pag-aari ni William Ola Poloc Sr., pastor at residente ng Michael Street, Engineers Hill, Baguio City.
Sa isinagawang Alcoholic Breath (AB) test, si Naparan at ang sakay nito na si Daisy Pulor Tulpo, residente ng Poblacion La Paz, Tarlac, ay nasa impluwensiya ng alak. Ang parehong sasakyan ay nagkaroon ng sira samantalang ang parehong riders ay nagtamo ng sugat at dinala sa BGHMC para malunasan at kalauna’y pinauwi.
Nagsagawa ng imbestigasyon ang mga rumespondeng traffic investigators sa lugar ng pinangyarihan, tinulungan ang mga biktima, inimpound ang motorsiklo sa traffic violation at nagbigay ng Traffic Citation Tickets para sa reference.
May 11, 2025
May 3, 2025
April 19, 2025
April 12, 2025