Drug den sinalakay,tatlong suspek arestado sa Kalinga

TABUK CITY, Kalinga – Arestado ng pinagsanib na operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency at Tabuk City Police Station ang tatlong high value drug personalities sa kanilang hinihinalang drug den sa isinagawang buy-bust operation sa Purok 6, Bulanao, Tabuk City, Kalinga.
Sinabi ni Col.Peter Tagtag, Jr., provincial director ng Kalinga Provincial Office noong Mayo 28 alas-3:10 ng hapon, nakipag-ugnayan ang mga operatiba ng PDEACagayan sa Tabuk CPS na nagsagawa ng buy-bust operation na nagresulta sa pagkakaaresto ng mga drug personality sa kanilang drug den.
Kinilala ang mga naarestong suspek na sina Jocel Bayle Gunnawa,43, job order sa Kalinga Provincial Capitol at residente ng Purok 6, Bulanao, Tabuk City, Kalinga; Lino Gud-Ay y Bumunas, 50, residente ng Malinawa, Tabuk City, Kalinga at Christma Albing Soposop, 32, meat vendor at residente ng Dagupan, Tabuk City, Kalinga.
Sinabi ni Tagtag sa operasyon na tinawag na ‘Olan Big Brother’, nakumpiska ng mga operatiba ang apat na piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na humigit-kumulang 10 gramo ang bigat na may tinatayang standard na halaga ng droga na P68,000.00; dalawang transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang residue ng shabu, itim na improvised burner,

Amianan Balita Ngayon