Drug test sa estudyante sa high school, suportado ni Domogan

Aug 20, 2017

Inihayag ni Mayor Mauricio Domogan ang buong suporta nito sa kamakailang mandato ng kagawaran sa edukasyon para sa pagpapatupad ng random drug test sa mga estudyante ng junior at senior high sa pampublikong paaralan upang maiiwas ang kabataan sa pagkadawit sa masamang mga bisyo.
Hiniling ng mayor sa mga kinauukulang tanggapan ng gobyerno na paglaanan ng pondo ang naturang drug test upang agad itong maipatupad.
“We have to implement the necessary interventions to spare the youth from the serious negative effects of using illegal drugs at the early stages of their life so that they will be accorded the appropriate guidance for them to shy away from their involvement to the illegal vices. We have to come in this early through the implementation of the random drug test to our high school students so that we will be able to pinpoint those that need government intervention considering that they will be at a loss once they will continue to be involved in illegal drugs,” giit ni Domogan.
Dagdag pa niya ay nakipagkasundo ang lokal na gobyerno sa religious sector sa lungsod na magsagawa ng libreng lecture sa mga pampublikong paaralan tungkol sa masamang epekto ng paggamit ng ipinagbabawal na gamot bilang tulong na rin sa maigting na anti-illegal drugs campaign lalo na sa kabataan na madaling magoyo sa paggamit ng bawal na gamot.
Ani Domogan, maging ang mga pribadong paaralan ay hinihimok na makipag-ugnayan sa religious sector para sa anti-drug lectures sa kanilang mga estudyante.
Samantala, ipinaliwanag ni Domogan na hindi na kailangan ang pangalawang surprise drug test sa mga opisyal at empleyado ng lokal na pamahalaan dahil ang mga nagpositibo sa paggamit ng bawal na gamot ay nagawang baliktarin ang mga naunang resulta ng mandatory drug test.
Hiniling niya sa publiko na ireport sa kanyang tanggapan ang mga opisyal at empleyado na patuloy pa rin ang paggamit ng illegal drugs upang maisailalim ang mga ito sa mandatory drug test para mapatunayan ang ulat at maipatupad ang nauukol na hakbang.
Nauna rito ay apat na empleyado ng gobyerno ang nagpositibo sa paggamit ng bawal na gamot sa isinagawang mandatory drug test sa lahat ng opisyal at empleyado ng lokal na pamahalaan.
Ngunit, isa sa kanila ang namatay dahil sa terminal cancer habang ang tatlo pa ay nagnegatibo ang resulta sa confirmatory drug test matapos na mabigyan ng pagkakataon ang mga ito na baliktarin ang positibong resulta ng drug test. PIO BAGUIO / ABN

RELATED POSTS

COURTESY CALL

COURTESY CALL

Hon. Jose Warren P. Villa, Vice Mayor San Juan City, Metro Manila paid a courtesy call to Baguio City acting Mayor Faustino A. Olowan at...

URBAN SKETCHING

URBAN SKETCHING

The two artists in the Session: SketchTour of Baguio on September 30 are Aurelio Castro III, sitting and sketching, in conversation with...

PART AT YOUR OWN RISK

PART AT YOUR OWN RISK

-diggings of sewerage projects along Kisad Road cause traffic problems to motorists due lack of road signs Carlos C. Meneses/ABN

AMIANAN POLICE PATROL

4 police commissioned officers nakakuha ng mataas na posisyon sa PROCOR BAGUIO CITY – Apat na police commissioned assumed key positions at...

LATEST NEWS

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

BAGUIO CITY (September 26, 2022)—Typhoon "Karding" did not directly hit the highland Cordillera though some 139 families in four provinces sought refuge to safer grounds, the social welfare department said. In Abra, 47 families consisting of 156 individuals were...

5 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO, ABRA

CAMP DANGWA, Benguet -- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang drug personalities matapos silang arestuhin sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City at Abra noong...

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor Benjamin Magalong, SM Assistant Vice President of Operations SM North 1 Jansenn Pe and SM Mall Manager Rona Correa led the unveiling...

PANGASINAN MANGPATAUD ITI SALT CENTER PARA PANAGSIRARAK, PRODUKSION

LINGAYEN, Pangasinan -Asidegen a mangipasdek iti probinsia a gobierno ti Pangasinan iti maysa a salt center iti probinsia tapno mapasayaat iti panagsirarak ken kamaudiananna iti produksion iti asin nga isut naggapuanan iti nagan ti probinsia. Iti maysa nga interbiu...

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

Affirming the Provincial Government of La Union’s support to the Philippine National Police’s commitment in securing a peaceful and orderly province, Gov. Raphaelle Veronica “Rafy” Ortega-David graced the 121st Police Service Anniversary celebration of the La Union...

DEVELOPERS MEET, DISCUSS SOLUTIONS FOR THE COUNTRY’S HOUSING INDUSTRY

As of 2017 , housing backlog estimated at 6.7 million ; developers target building two million for 2022 Every Filipino family aspires owning a home. Years, the Subdivision and Housing Developers Association, Inc. (SHDA) has relentlessly been trying to make that dream...

FACE MASK BOLUNTARYO NA ANG PAGGAMIT SA BAGUIO

BAGUIO CITY – Sa mga naasiwa na sa paggamit ng facemask ay nagbigay na ng signal si Mayor Benjamin Magalong at ang city council sa pamamagitan ng naaprubahang resolusyon na puwede ng hindi mag face mask o’ boluntaryo na lamang ang paggamit nito sa mga outdoor setting...

ADOPTED SON

ADOPTED SON

Iginawad ng provincial government ng Kalinga ang mataas na pagkilala kay PNP Chief Gen.Rodolfo Azurin,Jr., bilang adopted son ng Kalinga at pinangalanang "Inchakas" sa kanyang pagbisita sa lalawigan noong Setyembre 15, Photo by Kalinga PPO/ABN

MANNALON TI ILOCOS NORTE AGAPIT MANIPUD RICE HYBRID PROJECT

SUIDAD TI LAOAG, Ilocos Norte-Dagiti mannalon a nalipaset iti maysa a 160- hectare hybrid rice cluster technology demonstration project sadiay Ilocos Norte ket agapiten iti mulada inton sumaruno a lawas. Ipalgak dagiti nadumaduma a teknolohia ti panangpataud iti bagas...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Pin It on Pinterest