Duterte, magpapabaril! Susmaryusep!

Oct 9, 2017

Mga sasantos at sasantas, gisingin ninyo kami baka kami ay binabangungot na!  OMG!!! Ang isang pangulo, Duterte y Digong, magpapabaril? Sinong babaril at bakit? Saan at papaano? Susmaryusep na may rayuma! Fake news ba ire o blog lang ni Mocha? Di kaya ito ay panaginip naman ni Trillanes?  Mga panis na tsismis!  Mismong si Digong ang nagsabi niyan! Oh, my God! Por bida gid! Nasabi yan ni Digong, ang atapang na pangulo? Yap!  Saan? Huwag masyadong apurado. Isa-isahin natin ang mga nakakakiliting eksena.

******

Kamakailan muling dumalaw (pang-anim na) si Pangulong Digong sa Marawi upang bisitahin ang mga Bakwit lalo pa’t binuksan na ang kanilang pansamantalang  tirahan habang narerehab ang lugar. Siyempre may konting mensahe naman siyang ibinulaga muli. At talagang maanghang ang kanyang timpla sa eksenang yun. Nasa Marawi na nga siya pero ang upak ay sa mga kritiko pa rin niya lalo na kay (pogi raw sabi ni Mocha Uson) Sen. Trillanes.  (Charing hane). Teka, sa upak muna tayo. Ano bang say? Ito nga, dahil nga sa talaktalak ni poging senador (daw) na mga bank account ni Duterte na sabi naman ng huli na sablay, umanghang (at inaasahan naman) uli ang dila ng pangulo. Naghamon na! Naluma ang hamon sa tuwing Christmas season.  Magpapabaril daw siya kung mapapatunayang meron siyang P40million bank deposit.   Maryunes!  Ibig niyang sabyan: walang katotohanan ang mga bintang na meron siyang limpak-limpak na milyones sa kanyang mga bank account kasama ang pamilya. E, sino bang nagbibintang? E, di si  pogi (ayon kay C).  Hayy naku, ang sarap manakal, hane? Yun bang habang sinasakal mo ay kinakantahan mo ng suabeng himig ng Ave Maria yung version ni Yoyoy Villami.

******

Balikan natin ang eksena ni Sir President. Kamakailan kasi, may upak na naman si Trillanes na gumastos daw ng malaki ang kampo-Digong upang mapasakamay nila ang isang report hinggil sa mga bank account naman ni Trillanes.  Yun pala, ayon sa senador ay mga pekeng report. Pero teka, maalaala ba ninyo na minsan ay nasabi ni Digong na gawa-gawa lang niya ang bank deposit ni senador upang mapainan at mahuli ito?  So, kanya-kanyang painan na yata, mga pards. Ang pinakahuli, sabi ng kampo-Digong na walang dokumentong isinusumite ang AMLC (daw) sa Ombudsman hinggil sa mga bank account o deposits ni Duterte. In short ulit, hilong- talilong na ang mga kababayan nating sumusunod sa naturang hinahalukay na isyu. Pirmahan sa waiver ang kantiyawan ng dalawa (Duterte at Trillanes). Pero nabaling ulit sa bagong kontrobersiya. Kamakailan, sinabi ni Digong na may kabit o babae raw si Trillanes sa AMLC – Anti-Money Laundering Council.   Ang kabit daw ay mataas na opisyal ng AMLC. Naku po!  Ano ba ire? E, anong say ni Trillanes? Anofe.. di denied!  Wala raw katotohanan ang bintang. O, mga pards, gusto na ba ninyong manabunot o gusto na ninyong mangisay sa sobrang inis?

******

Sa mga nangyayari sa kasalukuyan sa pagitan nina Duterte at Trillanes at isama mo pa ang mga kaganapan sa Kongreso kung saan sala-salabat din ang hearings ng Senado at House sa mga sala-salabat ding mga kaso (in  aid daw sa legislation), saan kaya ang ating bansa? Kung baga sa isang tumatakbong bus, hindi kaya ito sesemplang sa bangin?  Pag nagkataon, lahat  tayo damay, di ba? O, sige, mainis na kayo. Tama lang na mainis tayo sapagkat sa bawat iringan ng ating iginagalang na mga opisyal, parang  kumikipot na ang highway ng ating pagtitimpi. Idalangin na lang natin na matauhan na sana sila at magkaisa. Tingnan sina Trillanes at Mocha Uson. Idinemanda ni Trillanes si Mocha sa kasong libelo, pero nang magkita sila, sus ginoo, nagselfie fa! Sweet  na raw sila.  Anak ng…us, anak ng…sige apo Digong,  ikaw na ang magtuloy sa inis namin!

******

Please share your experience with LOLO DORO “JIMMY LUZANO” AKA. MR. CARIÑOSO  as we celebrate 50 years in the industry. Send to 0928-506-5269. Thank you,   Adios mi amor, ciao, mabalos!

RELATED POSTS

QUITE UNDERSTANDABLE

Senator Loren Legarda is a champion of several causes including that of preserving and protecting the environment and promoting livelihood...

SINGKWENTA

On the day of commemoration of Martial Law, I decided to be poetic and cryptic, posting on my social media an allusion to the sinister...

URONG SULUNG

TILA BANTULOT ang mamamayan na alisin ang facemask sa kanilang mga mukha kapag nasa outdoor setting. Nitong mga huling araw, habang...

LATEST NEWS

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

BAGUIO CITY (September 26, 2022)—Typhoon "Karding" did not directly hit the highland Cordillera though some 139 families in four provinces sought refuge to safer grounds, the social welfare department said. In Abra, 47 families consisting of 156 individuals were...

5 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO, ABRA

CAMP DANGWA, Benguet -- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang drug personalities matapos silang arestuhin sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City at Abra noong...

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor Benjamin Magalong, SM Assistant Vice President of Operations SM North 1 Jansenn Pe and SM Mall Manager Rona Correa led the unveiling...

PANGASINAN MANGPATAUD ITI SALT CENTER PARA PANAGSIRARAK, PRODUKSION

LINGAYEN, Pangasinan -Asidegen a mangipasdek iti probinsia a gobierno ti Pangasinan iti maysa a salt center iti probinsia tapno mapasayaat iti panagsirarak ken kamaudiananna iti produksion iti asin nga isut naggapuanan iti nagan ti probinsia. Iti maysa nga interbiu...

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

Affirming the Provincial Government of La Union’s support to the Philippine National Police’s commitment in securing a peaceful and orderly province, Gov. Raphaelle Veronica “Rafy” Ortega-David graced the 121st Police Service Anniversary celebration of the La Union...

DEVELOPERS MEET, DISCUSS SOLUTIONS FOR THE COUNTRY’S HOUSING INDUSTRY

As of 2017 , housing backlog estimated at 6.7 million ; developers target building two million for 2022 Every Filipino family aspires owning a home. Years, the Subdivision and Housing Developers Association, Inc. (SHDA) has relentlessly been trying to make that dream...

FACE MASK BOLUNTARYO NA ANG PAGGAMIT SA BAGUIO

BAGUIO CITY – Sa mga naasiwa na sa paggamit ng facemask ay nagbigay na ng signal si Mayor Benjamin Magalong at ang city council sa pamamagitan ng naaprubahang resolusyon na puwede ng hindi mag face mask o’ boluntaryo na lamang ang paggamit nito sa mga outdoor setting...

ADOPTED SON

ADOPTED SON

Iginawad ng provincial government ng Kalinga ang mataas na pagkilala kay PNP Chief Gen.Rodolfo Azurin,Jr., bilang adopted son ng Kalinga at pinangalanang "Inchakas" sa kanyang pagbisita sa lalawigan noong Setyembre 15, Photo by Kalinga PPO/ABN

MANNALON TI ILOCOS NORTE AGAPIT MANIPUD RICE HYBRID PROJECT

SUIDAD TI LAOAG, Ilocos Norte-Dagiti mannalon a nalipaset iti maysa a 160- hectare hybrid rice cluster technology demonstration project sadiay Ilocos Norte ket agapiten iti mulada inton sumaruno a lawas. Ipalgak dagiti nadumaduma a teknolohia ti panangpataud iti bagas...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Pin It on Pinterest