Sa utak ng mga Pinoy na sumusubaybay sa mga kaganapan araw-araw…ang tensiyon sa pagitan ng pamilya Duterte at Marcos ay puwede ng ihambing sa tensiyon sa pagitan ng Tsina at Pilipinas hinggil sa isyu ng teritoryo. May katapusan pa kaya ito? Happy ending kaya o mas sasalimuot? Mahirap manghula. Pero kung kakaliskisan natin ang mga pangyayari sa pagitan ng mga Duterte at Marcos, parang singlayo pa ng mga bituin ang kasagutan. Sabagay, may mga bituin di naman na parang nagpapahapyaw na meron pang pag-asa.
Yan ang dalangin ng marami upang maisentro natin ang ating direksiyon na malayo sa tensiyon sa pulitika. Pero kung ang basehan ay mga galaw at pangyayari, parang may kalabuan pa ang ating minimithing liwanag. Naghiwalay na ng landas ang dalawang angkang ito. Inamin na mga Duterte na wala naman daw ginawang pondasyon ng
pagkakaibigan ng dalawang angkan kundi dahil lamang sa kaway ng pulitika kung kaya’t kahit pansamantala ay
nagkaroon ng munting pagkakaisa ng daan.
Pero sa ngayon, parang silang tahimik na bulkan pero buhay at kumukulo sa loob na nagbabadyang puputok sa ano mang oras o panahon. Dalangin natin n asana ay hindi singbagsik ng mga bulkan ang putok kung sakali. Kampante na si VP Sara na tatakbo sa presidential election sa taong 2028. Hindi naman pwedeng tumakbo sa posisyon s iPres. Bongbong. Kaya, sabi ng ilan…dapat ay huwag na silang magpasaringan dahil hindi naman sila (Bongbong at Sara)
magkakatunggali. Pero bulong ng ilan: di dapat magpakampante dahil marami namang pupwede mula sa angkan ng mga Marcos.
Sa ngayon, punado ang galaw ng mga lideres sa bawat kampo. May kanya-kanya na silang mga patutsada. Sabagay, sabi ng mga alayst…sa ganitong panahon, hindi na maiiwasan ang siraan upang palubugin ang kalaban. Ang hindi lang maganda…may mga sumasabay na mga problema sa bansa na dapat sanang maunang tignan bago ang puntirya sa pulitika. Yan din ang dalangin ng marami. Unahin ang kapakanan ng taumbayan bago sa kanilang personal na
ambisyon. Total, iisa lang naman ang kanilang adhikain: ang manilbihan sa ating bayan.
Sana diyan na lang muna magsesentro ang kanilang mga pangarap at huwag ng haluan pa ng lason sa utak ng
mamamayan. Kung sa West Phil. Sea…pwedeng makakahinga siguro ng maluwag kahit bahagya ang ating bansa sa
likud ng mga pambubully ng China. Kasi nga…hindi lang tayo (Pilipinas) ang ginagawan ng pambubully ng Tsina.
Katunayan, matindi rin ang at ng Malaysia, Indonesia pati na ang Vietnam dahil sa isyu ng teritoryo. Tanong: ano ba
talaga ang plano kasi ng China at gusto pang palawakin ang kanilang teritoryo samantalang napakaluwang na ito kumpara sa iba pang mga nasyon sa mundo.
Hindi pa daw ba sila kuntento sa laki ng kanilang teritoryo? Gusto na nilang sakupin ang buong mundo? Hindi naman puwede. Tiyak na marami ang aalma. Ang Malaysia, Indonesia at Vietnam at iba pang karatig-bansa. Kunting pasensiya na lang, baka may mapipigtasan ng senturon. Sabi ng marami, gaano man ang daw ang ginagawang pagbibinat ng senturon…may hangganan din…mapipigtas din ito. Totoo yan. May biro: magreserba na lamang ng maraming senturon para may kapalit agad kapag may napigtas.
Habang abala ang ating pamahalaan sa ating kahandaan laban sa mga ligalig na maaring ibunga ng mga tensiyong
naipresenta sa taas…abala na ang marami sa paghahanda naman sa Mayo 12. Pipili na naman tayo ng mga
manunungkulan sa atin. Lagi na lamang tayong pumipili pero laging nahahaluan ng mga hindi karapat-dapat ang napapaupo. Sana, maging leksiyon na ito sa hinaharap. Ang maliit na pagkakamali ay malaking pahirap sa bayan. Kaya paulit-ulit nating itinatapik at idina-daplis sa lahat: piliin ang mga karapat-dapat at huwag pasilaw sa pangako at salapi. Adios mi amor, ciao, mabalos.
February 1, 2025
February 1, 2025
February 15, 2025
February 15, 2025
February 15, 2025
February 15, 2025
February 10, 2025
February 10, 2025