NGAYONG nasa Pebrero na tayo – kalilipas lang ng nagdaang Enero – ano any maaasahan sa Buwan ng Pagmamahal? Yun sanang kakaiba naman. Kasi nga naman, kung pare-pareho din lanag, baka naman sa panhahon
ng paglamig – na sya nating nararanasa nitong Enero – ay baka manlamig ng tuluyan. Sige na, ihayag na ang mga
plano upang lalo pang umigting ang alab ng pagmamahala.. Sa mga magsing-irog, hayaan ng humulagpos ang damdaming lagi na lang kinikimkim, anuman ang mga kadahilanan.
Sa mga mag-asawang ilang mga taon ding pinagsamahan ang siphayo at salimuot ng pagiging nag-iisang puso,
hayaan din na mailatag ang mga planong magbibigay ng panibagong kulay sa pagsasama, lalo’t kakailan lamang. At maging sa mga magkasintahan pa lamang, huwag namang hayaan na ang mga simpleng hindi pagkakaunawaan ay
magsisilbing mitsa ng tuluyang paglandas sa kakaibang direksyon. Nasa mga magsing-irog ang pagdiriewang ng lubos sa buwang inilaan para sa pagmamahal.
Ngayong buwan, hayaang bigyan ng init, hayaang sabugan ng alab, at hayaang dampian ng katas ng pagmamahal ang anumang hiblang marupok naman ang pinag-uugatan. Anuman ang pagsasaluhan – tsokolateng pagsasabayan sa isang plato at tinidor, rosas na pinagpilian upang bawat saglit ay ligayang kay tagal ding sinusupil – hindi nararapat na tumbasan ito ng halaga, lalo na at sinusukat ng pera. Para sa mga hinahandugan, sapat na ang ala-alang sinisimbolo nito, ang makapagpahiwatig na lampas-langit ang rurok ng pagmamahal.
Halina’t ating haranahin sa gabing madilim at tanging mga bituin lamang ang nagkaka-bugkos sa kalangitasn ang
maghasik ng liwanag. Ikaw na nga ang aking Valetinang sinta! Ikaw na nga ang biglang laya na kay tagal ng kimkim ng damdamin at sinusupil ng pag-iisip. Kung noong minsan ay muntik ng makawala ay hayaang makahulagpos,
tahasang isantabi ang anumang siphayo ng pagkakalayo at pabayaang bigyang buhay ang damdaming ngayon ay
kumakawala.
Bigyang daan natin ang agos ng unawaan at hayaang ang panibagong hininga ng pagkakasundo ay mamutawi sa
mga labi na kay tagal ding umukit ng larawang hanggang pagkakatanda lamang mararanasan. Kailanman, ang pusong naantig ay gigising din upang bigyang laya ang kay tagal ding nalimlim sa takip-silim ng buhay. Anuman ang panahon, anuman ang pagkakataon, titigil ang agos ng buhay, hihinto ang mga dalamhating kay tagal ding kinimkim. Muli at muli, ating ihiyaw ang ngalang kay tagal ding naibaon sa pagkalimot.
Muling isulong ang patuloy na usad ng kaligayahang nakatuon sa panginorin ang katuparan. Ngayong 2025 na, bigyang pansin ang mga kandidato at kandidatang halos buong taon ay pumailanlang ang mga ngalang ngayon ay tila nakabibinging palinggan. Tulad ng naihayag ko kamakailan lamang, mayroon tayong pagsusukatan ng
pagpapahalaga sa anumang posisyong kanilang ninanasa. Karanasan. Kakayahan. Katapatan. At higit sa lahat, Karakter. Ito ang mga katangiang dapat na bigyang mataas na pagpapahalaga sa panahon ng eleksyon.
Ang batayan ng mga karapat-dapat ay wala sa ngalan na maaaring nakaukit sa pananaw. Ating uulitin upang
madaling iukit sa ating kamalayan. Karanasan. Kakayahan. Katapatan. Karakter.Ang mga kumakatawan ba sa ating pagtangkilik ngayong eleksyon ay sumasalamin sa mga katangiang ito? Anong uri ng karanasan ang kanyang
dinadala? Ano ang hugis ng kakayahan ang masasalamin sa kanila na ating makikilatis sa panahon ng pagpili?
Ang basehan ang ating masasaliksik upang makasiguro na sakaibuturan ng ating pagkakakilanlan ay siya na nga
ang karapat-dapat na kakatawan sa ating mga simpleng pangarap? Sa aking pananaw, at ito ay aking buong
pagpapakumbabang ipapahayag, ay doon ako sasapi sa mga may solidong katibayan ng karanasang makapaglingkod, kakayahang mangngibabaw sa anumang pagtitipon, katapatan ng kalooban na ibuwis ang lahat, masilbihan lamang ang buong pangkalahatan sa higit na lebel ng kabutihan.
At ang huling basehan, Karakter, ang siyang magpapahiwatig kung ano ang direksyon na tatahakin at kakatawanin, upang mapatunayan na nasa kaniya at Karanasan, Kakayahan, at Katapatan. Nasa kanya ba ang Karakter na makapagsilbi sa taong-bayan ng walang pagkakimi at alinlangan? Itanong natin iyan sa mga nasa ay makapagsilbi.
February 1, 2025
February 1, 2025
February 15, 2025
February 15, 2025
February 15, 2025
February 15, 2025
February 10, 2025
February 10, 2025