DUTERTE…. MITSA KAYA NG PAGKAKAWATAK-WATAK?

Sa kasalukuyan…mga kontrobersiya ang ating nakakaniig araw-araw. Kawil-kawil na parang pansit ang ating buhay ngayon dahil sa mga hinayupak ng kamalasang mga ire. Ang tanong: may katahimikan pa ba sa Pilipinas? Tanong muli: malapit na ba tayo sa PAGKAKAWATAKWATAK? Kamakailan, sumulpot ang ulat hinggil kay dating Representante Teves na nasa Temor Leste. Gusto na niyang makauwi. Magandang senyales kung sakali at haharapin na nya ang mga nakabinbing kasong naghihintay sa kanya dito sa Pilipinas at maipagtanggol nya ang kanyang sarili o mabigyang-katarungan ang kanyang mga biktima.

Sa kabilang dako naman…humihiyaw ang mga kapanalig ni dating pangulong Duterte na siya’y pauwiin na at dito sa bansa litisin hindi sa
The Hague, Netherlands. Malinaw na magkaibang isyu ang ICC at mga kaso sa Pilipinas kung meron mang nakapila laban sa dating pangulo. Idagdag mo pa ang panawagan din ng Pilipinas na dapat umuwi na si dating Presidential Spokesperson Harry Roque upang harapin ang kanyang mga kaso dito sa atin. Guilty ba sya at humuhingi na agad ng asylum sa Netherlands? Nagtatanong lang po and Daplis. Balikan natin ang isyu kay dating pangulong Digong.

Kulong pa rin siya sa The Hague, Netherlands. Sa Setyembre 23 pa masisimulan ang bakbakan sa letigasyon. Naghahanda na raw ang
kanyang kampo para ng mga kontra-ebidensiya sa nagreklamong war on drugs. Baka sa ngayon ay buo na rin ang pangkat ng mga abogado na magdedepensa sa dating pangulo. Bagama’t, walang pinangalanan…may isa raw abogadong Pinoy ang isasama sa pangkat na ito. Ilang buwan pa ang hihintayin bago ang Sept. 23. Tapos na ang eleksiyon natin sa bansa (May 12) at malalaman na rin kung mananalo si Duterte sa pagka-mayor sa kanyang bayan sa Davao.

At kung mananalo…papano raw siya makakapanungkulan kung nasa piitan naman ito dahil sa war on drugs? Maala-ala natin ang
nasabi minsan ni VP Sara na hindi na makakauwi ang kanyang ama sa Pilipinas. Ayon sa mga analysts…depende na ito sa kahihinatnan ng mga kasong nakapila sa Netherlands. Dahil sa maraming kontrabersiya…nakatutok ang NBI sa mga Vloggers at mainstream media dahil sa may lumalabas na mga persona mula sa mainstream media ang nangangalampag na diumano ay mga indibidwal na nag-uudyok sa mga kababayan natin na magrebelde laban sa gobyerno o sedisyon. Ilan din sa mga eto ang nagpapakalat ng tumitinding mga fake news namaaring sariling gawa ng isang vlogger o may nagpapatakbong tao o grupo.

At dahil na rin sa kagustuhan ng mga vloggers na kumita ng limpak-limpak, anumang isyu na sa tingin nila ay kakagatin ng mga netizen ay kanilang sasamantalahin sukdulang mali o makakapanakit ang kanilang CONTENT. Ayon sa NBI..lagpas na ito sa sinasaklaw ng “freedom of speech”. Kaya ang payo ng DAPLIS, maging matalas tayo sa pag-aanalisa ng mga isyung nakapalibut sa atin. Mag-isip at huwag padalus-dalos sa mga papaniwalaan at pagdedesisyon. Ang bugso ng damdamin ay kadalasang nagpapahamak sa atin. Nawa’y
maging gabay eto sa pang-araw-araw na pamumuhay at gabayan tayo palagi ng Poong Maykapal. Adios mi amor, ciao mabalos.

THE ART OF WATER

POINT OF REFLECTION

Amianan Balita Ngayon