ELEKSIYON, TAPOS NA… KASUNOD, ANO KAYA?

Nakaraos na tayo sa isa pang pagsubok sa buhay – Pinoy. Matagumpay (daw) na nairaos ang eleksiyon-2025 ayon sa Comelec at PNP sa likud ng may mga napaulat na vote-buying, mga pagpatay na umano’y may kinalaman sa pangangampanya at kung ano-ano na na
naglalabasang isyu pagkatapos ng halalan. Ngayung tapos na ang halaan, nakapila na ang mga aatupagin ang COMELEC. Mga
proklamasyon at di mabilang na protesta mula sa mga kumandidato, ang pagtanggap ng isusumiteng mga SOCE o Statement of Contributions and Expenditures, ang pagproklama sa mga nanalong senador TOP 12, ang pag-iimbestiga sa mga tinaguriang hot spots at iba pang isyu.

Sa ngalan ng DAPLIS, kami po ay ngapapasalamat sa mga kabataang nakilahok sa katatapos na halalan. Eto ay tanda na may pag-asa at
pagbabago. Nagpapakita eto ng kanilang aktibong pakikilahok sa mga aktibidades ng pamahalan at ng kanilang kamuwangan sa
kinabukasan ng bansa. Pagpapakita rin eto ng kamalayan at karunungan para sa hinaharap. Isang tanda na dapat ay humubog tayo ng ating mga kabataan. Sila nga ang ating pag-asa ng kailangang gabayan upang mahinog sa kanilang magiging responsibilidad. Dumako naman tayo sa konting pananaw ng DAPLIS sa katatapos na halalan. Una, napansin natin ang mabilis na botohan, bilangan ng mga
balota at proklamasyon ng mga nanalong kandidato.

Malaking pagbabago dulot ng makabagong teknolohiya. Sa nagdaang kampayahan ay bihira ngang nabalitaan ang mga malisyosong Gawain ng mga magkakatunggaling kandidato. At higit sa lahat ay napakabihira ang mga kampanyahan na dati ay lubos sa mga radio, telebisyon, social media at kung ano-ano pang raket. Nagpapahiwatig ba eto na konti lang ang kanilang ginastos na babawiin din pag
nanalo na o kabaliktaran ang ating hinuha? Pangalawa, sa mga nanalong senador ay kitang-kita na malakas ang may dikit sa dating pangulong Duterte na sya mismo ay nanalong mayor ng Davao City kasama ang iba pang myembro ng kanyang pamilya.

Samantalang yaong mga kandidato mula sa QUAD COMM na nag-imbestiga sa POGO, illegal ng droga, extra-judicial killings at human rights violation na may kinalaman sa WAR on Drugs ay hindi nakalusot. Gayun din ang iba pa na nakita naman ng mga mamamayan ang kanilang mga nagawa para sa kapakanan ng taum-bayan. Nakakapagtaka. Ano kaya ang ginusto ng nakararami sa mga nanalong senador. Habang nababasa nyo ang DAPLIS ngayun ay naiproklama na ang 12 na senador. Sa pangkalahatan… naipakita natin sa nakalipas na
eleksiyon ang tunay na diwa ng demokrasya kaya naging maayos, mapayapa at may dignidad na halalan.

Sana kung ano ang ipingako ng mga nanalong kandidato ay kanilang tutuparin at gagawin ngayong sila na ang uupo. At tayo ring mga ordinaryong mamamayan ay magkaroon ng positibong kooperasyon sa ating mga mamumuno upang sama-sama nating abutin ang ating pangarap na malinis na pamamahala. Tulung-tulong para maabot ang mga pangarap at adhikain at magkaroon ng katuparan para sa maunlad na Pilipinas. Good luck! Adios mi amor, ciao, mabalos.

BALIK TRABAHO

Amianan Balita Ngayon