Bago sa talakan, kami ay sumasaludo muna sa lahat nang nasa likod ng muling kahandaan nitong Fire Prevention Month. Napapanahon ito dahil tag-init na. Sabi nga nila, ang sablay na pag-iingat ay nagbubunga ng kalamidad. Di lingid sa lahat na sa tuwing sumasapit ang buwang ito, bago pa man ay may naitatala nang mga sunog lalo na sa NCR. Katunayan nga bago nag-Marso, isang malaking sunog ang naganap sa Quezon City kung saan mga tatlong daang pamilya ang nawalan ng bahay. Ang sanhi? Simple lang – nag-overheat na charger na naiwang nakasaksak habang wala ang may-ari. Mantakin mo sa isang pagkakamali lang, libong katao ang nawalan ng bahay at mga ari-arian. Kaya, lagi tayong mag-ingat upang di mangyari ang ano mang uri ng sunog sa ating sosyodad.
******
Malapit na ang barangay election kasama ang pang-SK. Pero muling gumapang na ala-sunog ang pangamba at usap-usapan sa ngayon – kung tuloy na ba talaga ang naturang eleksiyon? Alaala natin na ilang beses na itong iniatras sa maraming kadahilanan. Kamakailan, may mga nagpatutsada na dapat daw ay iatras muli ito upang mabigyan muna ng panahon para sa Cha-Cha na ang puntirya ay ang pagpapalit ng porma ng ating gobyerno. Sabi nila, kapag natuloy ang amyenda sa ating konstitusyon at magpapalit tayo ng porma ng pamamahala, talagang mag-iiba ang ihip ng hangin tungkol sa eleksiyon. Sabi ng mga analyst: kung magiging Federal-Presidential ang porma ng ating gobyerno, maisasantabi muna ang eleksiyong pambarangay. Malaking palaisipan nga naman ire sa ngayon. Kaya marami ang nagtatanong kung tuloy ba o hindi ang naturang halalan?
******
Kamakailan, sinabi ng Malakanyang na tuloy ang barangay eleksiyon sa takdang panahon. Puspusan na nga ang paghahanda ng Comelec lalo na sa isyu ng rehistrasyon. Meron pa ngang pumutok na balita na maraming mga flying voter na ang nakapagparehistro sa may Pasay City kung saan halos lahat sila ay nakatira sa may riles. Nakapagtataka ito kaya bukilya. Talagang gustong bahiran ng dumi ang barangay election. Tsk tsk, agaammotayon. Mula dumi sa kuko ng ating paa hanggang sa tuktok ng ating ulo, alam na natin ang ating galing sa paggawa kung illegalidad ang usapan. Tiyak, sabi nila, mga malalaking tao ang nasa likod niyan. Dapat lang na nabuking at dapat lang na may mapaparusahan. Mantakin mo pards, kung nangyari yan sa may riles sa Pasay (NCR), pwede ring mangyari sa ibang lugar. At malaki ang epekto nito sakaling matuloy ang eleksiyon-pambarangay. Kung hindi nasupalpal ang balak ng mga ungas, anong klaseng resulta ng eleksiyon ang ibubunga? Natural mga buwayang di-kaliskis ang mapupuwesto at kawawa ang mga naghalal dahil papalpak muli ang serbisyo sa bayan. At sa ganitong nabulgar na sistema, sabi ng ilan, mas maigi pang i-atras na lang ang halalan.
******
Mas nakararami ang humihiyaw na dapat lang na ituloy ang barangay election. Maraming rasones. Isa sa mabigat na dahilan ay upang mapalitan na ang mga kumag, este bulok na serbisyong mga opisyal lalo na yung dawit sa graft at illegal drugs. May ulat noon ang pangulong Digong na may mga barangay official ang nasa drug list na hawak niya. Kaya nga na-iatras noon ang halalang ito upang maiwasang magamit ang drug money sa eleksiyon. Pero ngayon dapat daw na matuloy na. Tanong: wala na kayang drug money na aagos? Abangan ang susunod na kabanata. Adios mi amor, ciao, mabalos!
March 3, 2018
March 3, 2018
April 19, 2025
April 19, 2025
April 19, 2025
April 13, 2025
April 13, 2025