Estudyante, nabiktima ng carnapping sa Benguet

LA TRINIDAD, BENGUET – Dumulog ang isang 18 anyos na estudyante sa himpilan ng pulis noong Marso 5 matapos na matuklasang nawawala ang ipinarada nitong motorsiklo.
Sa pahayag ni Febrin Dangga Payangdo, kasalukuyang nakatira sa Eastern Buyagan Poblacion, La Trinidad Benguet, ipinarada niya sa harap ng kanyang boarding house ang kanyang motorsiklo, kulay itim na rouser na may plakang 1358SV, IIIV file number 0104-00000267674, chasis number 111D2AI7C79CCD18820 na kanyang nabili sa Jun Momes Yaguan, noong umaga ng Marso 5. Ngunit nang balikan ito dakong 4pm ay natuklasan niyang nawawala na ang kanyang motorsiklo.
Sinubukan niyang hanapin ang kanyang motorsiklo ngunit hindi na ito natagpuan. MARK BROZULA VILLAFLORES, UB Intern

Latest News

Amianan Balita Ngayon