Proteksyon ng mga lasing sa bars, iminungkahi sa konseho

Mar 9, 2018

LUNGSOD NG BAGUIO – Itinutulak ngayon sa konseho ng lungsod ang pagkakaroon ng “barker” sa mga inuman para sa mga lasing na kostumer upang matiyak na ligtas ang mga itong makakauwi sa kanilang mga tahanan.
Sa mungkahing ordinansang iniakda ni Councilor Joel Alangsab, ay isinaad na magiging tungkulin ng mga establisimiyento na nagbebenta ng alak gaya ng mga bars na magtalaga ng tauhan para magsilbing gabay sa mga sobrang lasing na kustomer at pasakayin sa taxi at payuhan ang taxi drayber na imaneho ito pauwi sa bahay ng kustomer.
Itatala ng mga barker ang pangalan ng kostumer, ang nakarehistrong plate number ng taxicab at itatabi ang mga record at ipapakita sa awtoridad kung kinakailangan para sa kanilang imbestigasyon kung sakaling may mangyaring masama sa lasing na kostumer habang ito ay nakasakay sa taxicab.
Ayon kay Alangsab, lahat ng mga establisimiyento na nagbebenta o nagsisilbi ng alak ay sakop ng batas na ito, una na rito ang mga bar, karaoke bar, videoke, night club billiard at dart hall.
Dagdag ni Alangsab, ang bagong batas ay naglalayong protektahan ang mga kostumer pati na rin ang mga potensyal na aberya o aksidente dahil sa kanilang pagkalasing. Ito ay para narin maiwasan ang pagtaas ng aksidente sa kalsada at trapiko dahilan ng pagmamaneho ng lasing at insidente sa krimen dulot ng sobrang kalasingan.
Kung maipasa ang nasabing batas ay may mga nakaambang parusa para sa mga establisimiyento na hindi magtatalaga ng barker.
Ang panukalang-batas ay naipasa sa unang pagbabasa noong Marso 5 at hihintayin ang pampublikong pagdinig nito. MA. KRYSTAL I. DIOQUINO, UB Intern

RELATED POSTS

LATEST NEWS

TATLONG MAGKAIBIGAN ARESTADO SA KASONG PANGGAGAHASA SA KALINGA

RIZAL, Kalinga - Tatlong magkakaibigan na pawang sangkot sa panggagahasa noong 2011, ang inaresto ng mga tauhan ng Rizal Municipal Police Station, dakong alas-5:20 ng hapon, habang naghihintay ng bus papuntang Tuguegarao City sa junction ng Barangay Liwan. Kanluran,...

DEPAP

DEPAP

Men from the 13 municipalities of Benguet participate in the traditional pig catching as part of the Grand Canao event of the 122nd Benguet Foundation Anniversary thru the Adivay Festival at the Benguet Sports Complex on Wednesday. November 23, 2022. RMC PIA-CAR

IT BEGINS

IT BEGINS

Members of the Fil-Am Golf Invitational executive committee pose with Baguio mayor Benjamin Magalong after the ceremonial tee-off at the Baguio Country Club Thursday, Nov. 24 that signal the starts of the 72nd edition of the worlds largest amateur golf tourney. Some...

10 DRUG PERSONALITIES, NALAMBAT SA OPERASYON SA CORDILLERA

LA TRINIDAD,Benguet -- Arestado ang sampung drug personalities sa isang linggong anti-illegal drugs operation ng Police Regional Office-Cordillera na isinagawa mula Nobyembre 13 hanggang 19. Sa talaan ng Regional Operations Division (ROD) ng PROCOR, anim na drug...

BARANGAY MERGING ISINUSULONG NA SA LUNGSOD NG BAGUIO

BAGUIO CITY – Inaprubahan na sa unang pagbasa ng Sangguniang Panlungsod sa kanilang regular session noong nakaraang Lunes ang iminungkahing ordinansa na nag-aapruba sa pagsasanib ng 128 barangay ng lungsod mula sa 34 barangay lamang, na napapailalim sa mga limitasyon,...

MINE SAFETY FIELD DEMO

MINE SAFETY FIELD DEMO

The Philippine Mine Safety and Environment Association held its Mine Safety Demo and Competition at the Melvin Jones football field. Mining companies all over the country demonstrate their skills in Mine Safety and first aid response during the COVID-19 Pandemic....

ENCHANTED HOLIDAYS AT THE MANOR CAMP JOHN HAY

ENCHANTED HOLIDAYS AT THE MANOR CAMP JOHN HAY

Camp John Hay Development Corp. President Robert John Sobrepena leads in the lighting of the Christmas Tree and other lightings in the garden of Manor as a signal of the celebration of Enchanted Holidays in the Manor Camp John Hay . Art works of members of the City’s...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Amianan Balita Ngayon

Pin It on Pinterest