Ex-mayor sa Abra, arestado sa maling gamit ng pondo

Nov 25, 2017

LUNGSOD NG BAGUIO – Dinakip ng Criminal Investigation and Detection Group at mga pulis si dating mayor ng Licuan-Baay Christopher Leones Millare Sr., dakong 7am noong Nobyembre 20, mula sa tahanan nito sa barangay Bulbulala, Licuan-Baay, Abra dahil sa diumano ay public fund misuse nang nanilbihan itong pinuno ng bayan noong 2010-2013.
Ang pag-aresto sa dating mayor ay iniutos ni Sarah Jane Fernandez, chairperson ng 6th division ng anti-graft court dahil sa dalawang kaso ng malversation of public funds sa Sandiganbayan sa ilalim ng CC Nos. SB-17-CRM-1722 at 1723.
Noong 2015 ay napatunayan din ng Ombudsman na guilty si Millare Sr. sa kasong simple misconduct sa termino nito noong 2010-2013 at inutusan ito na magbayad ng multa na katumbas ng tatlong buwan na sahod nito.
Ang multa ay ipinataw ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales dahil sa maling paggamit ni Millare Sr. ng 20 porsyentong Development Fund ng Licuan-Baay noong 2011 at 2012 para sa rehabilitasyon ng municipal hall.
Sa kanyang termino diumano ay naglaan si Millare ng P3.2 milyon ng public funds sa ibang pakay na iba sa itinakda ng batas na paggamitan nito.
Nakita ng Ombudsman na may sapat na ebidensya kontra kay Millare at pinatawan ito ng multa na katumbas ng tatlong buwan na sahod nito na dapat bayaran sa tanggapan ng Ombudsman.
Si Millare, na natalo sa kanyang pagtatangka sa re-election noong 2013 at maging sa kanyang muling pagtakbo sa halalan noong 2016, ay pinayagan na magbayad ng piyansa para sa pansamantalang kalayaan na P6,000 sa bawat kaso sa naipilang two counts ng fund misuse. ACE ALEGRE / ABN

RELATED POSTS

DEPAP

DEPAP

Men from the 13 municipalities of Benguet participate in the traditional pig catching as part of the Grand Canao event of the 122nd...

IT BEGINS

IT BEGINS

Members of the Fil-Am Golf Invitational executive committee pose with Baguio mayor Benjamin Magalong after the ceremonial tee-off at the...

LATEST NEWS

CONCRETE PLANT COMPLIED WITH DENR-RECOMMENDED MITIGATING MEASURES

CONCRETE PLANT COMPLIED WITH DENR-RECOMMENDED MITIGATING MEASURES

BAGUIO CITY (November 28, 2022) -- Triple A public works contractor Phesco Inc., operating a concrete batching plant in Sablan, Benguet, insists it has instituted mitigating measures averting earlier complaints of concrete spillages into the drainage system in sitio...

TATLONG MAGKAIBIGAN ARESTADO SA KASONG PANGGAGAHASA SA KALINGA

RIZAL, Kalinga - Tatlong magkakaibigan na pawang sangkot sa panggagahasa noong 2011, ang inaresto ng mga tauhan ng Rizal Municipal Police Station, dakong alas-5:20 ng hapon, habang naghihintay ng bus papuntang Tuguegarao City sa junction ng Barangay Liwan. Kanluran,...

DEPAP

DEPAP

Men from the 13 municipalities of Benguet participate in the traditional pig catching as part of the Grand Canao event of the 122nd Benguet Foundation Anniversary thru the Adivay Festival at the Benguet Sports Complex on Wednesday. November 23, 2022. RMC PIA-CAR

IT BEGINS

IT BEGINS

Members of the Fil-Am Golf Invitational executive committee pose with Baguio mayor Benjamin Magalong after the ceremonial tee-off at the Baguio Country Club Thursday, Nov. 24 that signal the starts of the 72nd edition of the worlds largest amateur golf tourney. Some...

10 DRUG PERSONALITIES, NALAMBAT SA OPERASYON SA CORDILLERA

LA TRINIDAD,Benguet -- Arestado ang sampung drug personalities sa isang linggong anti-illegal drugs operation ng Police Regional Office-Cordillera na isinagawa mula Nobyembre 13 hanggang 19. Sa talaan ng Regional Operations Division (ROD) ng PROCOR, anim na drug...

BARANGAY MERGING ISINUSULONG NA SA LUNGSOD NG BAGUIO

BAGUIO CITY – Inaprubahan na sa unang pagbasa ng Sangguniang Panlungsod sa kanilang regular session noong nakaraang Lunes ang iminungkahing ordinansa na nag-aapruba sa pagsasanib ng 128 barangay ng lungsod mula sa 34 barangay lamang, na napapailalim sa mga limitasyon,...

MINE SAFETY FIELD DEMO

MINE SAFETY FIELD DEMO

The Philippine Mine Safety and Environment Association held its Mine Safety Demo and Competition at the Melvin Jones football field. Mining companies all over the country demonstrate their skills in Mine Safety and first aid response during the COVID-19 Pandemic....

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Amianan Balita Ngayon

Pin It on Pinterest