Habang nasusulat ang espasyong ito….nakasalang muli sa hearing ng Lower House (Quad Com) ang dating Pangulong Rodrigo Duterte sa patuloy na pagdinig sa isyu ng EJK at iba pang isyu. Matatandaan na natapos na siyang isinalang sa pagdinig ng Senado kamakailan. Marami na siyang naisiwalat at parang lalo yatang dumarami pa
ang dapat malaman ng taumbayan. Sundan lang, mga pards: Ang mga sumusunod na linya ay base sa personal na
obserbasyon ng Daplis sa nga pagdinig sa Senado at House: Gaya ng pagkakilala natin sa dating pangulo sa loob ng kanyang administrasyon…isa siyang tao na walang itinatagong damdamin.
Kung ano ang nararamdaman niya…yon ang nasasabi tuwing bubuka ang bibig. Sa hearing ng Senado at sa Quad Com ng Lower House….ilang beses mong maililista ang katagang “patayin” na makailang beses nya nasambit. Ang prominenteng linya ay “kapag lumaban, patayin”. Madalas na ang linyang ito lalo na sa isyu ng mga kriminal at pagkilos ng kanyang kapulisan. Kung ikukumpara sa mga iba’t-ibang lider ng mga bansa sa mundo…baka mas matindi pa ang tapang at tatag ng paninindigan ni Ex-Pres. Duterte lalo na sa “war on drugs” ng kanyang administrasyon.
Hindi lang siya nanggagalaiti sa mga taong dawit sa illegal na droga kundi hindi rin ligtas sa kanya kahit pa otoridad na pasok sa illegal trade na ito. Katunayan, inamin mismo ng dating pangulo na mismong siya ang kumastigo sa mga ito. Kung ating titimbangin ang kanyang posisyon kontra illegal na droga…iba-iba ang mga opinyon ng bayan. May
mga sumasaludo sa kanyang tapang. May salungat. Sa panig ng mga inosenteng sibilyan na nadawit bilang kuno ay “collateral damage”…may mga pamilyang hindi kumporme sa kanyang adhikain. Natural ang maghahari sa kanila ay “galit” at naghahangad (hanggang ngayan) ng hustisya.
Nang tanungin ang dating pangulo hinggil sa isyung ito…iisa ang kanyang paninindigan na kasama ito sa madugong
kalakaran upang sugpuin ang illegal na droga. Mabigat nga ang reaksiyon ng dating pangulo nang sabihing: “yong
ginawa ng mga pulis laban sa mga dawit sa illegal na droga…akin nyon…utos ko yon sa kanila.” Halos ganyan ang buod ng kanyang komento sa kanyang paputol-putol na sagot sa mga tanong. Saludo tayo sa pasensiya ng buong Quad Com at mga nagtatanong na mga mambabatas sa pagbibinat ng kaniling pisi sa tuwing nawawala sa timpi ang dating pangulo at asal na nagagalit.
Sa pananaw ng Daplis…parang ayaw niyang nauulit na nauungkat ang isyu ng “war on drugs” kontra sa kanyang administrasyon (dahil marami ang namatay) sa likud ng kanyang malasakit na ayaw niyang madurog ang
sambayanan dahil sa droga. Nang matanong ang dating pangulo hinggil sa ICC na nag-iimbestiga hinggil sa mga
kaganapan sa nagdaang administrasyon…naghamon siya na dapat bilisan ng ICC ang pag-iimbestiga nila para
malaman na ang katotohanan. Sabi pa niya: “If I am found guilty, handa akong mabulok sa kulungan”. Yan ang buod ng kanyang banat. Ang puna lang ng Daplis sa mga eksena ng hearing na ito ng Quad Com ay ang estilo ni Digong na parang kontra siya sa pahapyaw na pagtatanong ng mga mambabatas.
Gusto niya ay deretsahan na dahil deretsahan din siyang sumagot. Bulong nga ng ilan: sa ganyang mga reaksiyon…hindi na matatapos ang hearing sa Senado man o sa Quad Com. In short…walang patutunguhan. Sa ganang DAPLIS
naman…may karapatan siya sa kanyang opinyon o sagot sa lahat ng tanong. Ngunit may karapatan din ang bayan na
malaman ang buong katotohan. Iisa ang tanong na dapat masagot: may pagmamalabis ba ang nakaraang administrasyon sa implementasyon ng “war on drugs”? At sa pagtatapos ng mga imbestigasyon ng kongreso hinggil sa EJK…meron kayang mapaparusahan? Kasama ba dito ang “hinala” ng bayan? Abangan ang mga susunod pang banatan. Adios mi amor, ciao mabalos.
November 17, 2024
November 18, 2024
December 9, 2024
December 9, 2024
December 9, 2024
December 9, 2024
December 8, 2024
December 8, 2024