Ex-vice mayor sa Ifugao, nahulog sa bus, patay

LUNGSOD NG BAGUIO – Patay ang dating bise mayor ng Aguinaldo sa Ifugao matapos mahulog mula sa ibabaw ng rumaragasang pampasaherong bus sa Potia, Alfonsolista, Ifugao kamakailan.
Ang dating vice mayor ng Aguinaldo na si Mario Nalliw Hanaggon, 69 anyos, ay hindi umabot nang buhay sa ospital matapos mahulog mula sa ibabaw ng pampasaherong bus nang tamaan ang kaniyang leeg ng electric service wire mula sa electric post na konektado sa isang bahay.
Ayon sa mga otoridad, si Henaggon na nakasakay sa ibabaw ng bus na may plakang BVG 870 na minamaneho ni Brent Mayaco Sacyong, 45anyos, ng Aguinaldo, Ifugao, ay hindi napansing may nakabitin na wire mula sa poste ng bahay ni Gener Domingo.
Opisyal na idineklara ng government physician na si Judith Olay-Alacan ang pagkamatay ng dating bise mayor.
Ang driver ng bus ay dinala ng Alfonso Lista police para matanong. A. ALEGRE / ABN

Amianan Balita Ngayon