Face to Face

Nagpatawag ng meeting si Rufino M. Panagan – General Manager ng Human Settlements Development Corporation (HSDC) sa mga tenant na kung saan ay may mga reklamo at tumututol sa mga illegal na istraktura sa Maharlika Livelihood Complex, Baguio City dahil wala umano itong building permit at lubhang mapanganib sa mga tao at tenant kapag natuloy ang istraktura.
Inamin ni Panagan ang pagkakamaling nagawa ni Project Manager Rocky Balisong na hindi nakapag comply ng building permit na wala rin siyang kinalaman dito. Habang hinihintay ang desisyon ng City Buildings and Architecture Office (CBAO ) kung mapahintulutan bigyan ng building permit ito ay magsasagawa ang mga tenant ng petisyon na tutulan itong mga istraktura.
 
Mar Oclaman /ABN

Amianan Balita Ngayon