TINGLAYAN, Kalinga – Nanawagan ang mga magsasaka sa pamahalaan na bigyan pansin ang matagal na nilang kahilingan na magkaroon ng farm-to-market road,upang mawala na pagtatanim ng marijuana sa kanilang lugar.
Ang panawagang ito ay ipinahayag ni Punong Barangay Miguel Guyang, ng Tulgao East, Tinglayan, Kalinga nang magsagawa ng information dissemination drive ang mga ang mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency-Cordillera, Kalinga Provincial Police Office at Philippine Airforce, matapos ang isinagawang aerial inspection sa mga taniman ng marijuana sa lugar.
Ang bayan ng Tinglayan ay isa sa may malawak na plantasyon ng marijuana sa rehiyon ng Cordillera at nagiging sentro ng bilihan ng marijuana bricks ng ilang nagpapanggap na turista para ipuslit ito palabas ng Kalinga.
Ang pitong araw na aerial inspection at marijuana eradication na nagsimula noong Peb.23 na tinawag na “Oplan Herodotus Reloaded” ay nagresulta ng pagkakasunog ng mahigit sa P350 milyong halaga ng marijuana sa mga kabundukan ng Tinglayan.
Kwento ni Guyang,ang kanilang lugar ay dating pinamumugarn ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) at tulad ni Daniel na dating rebelde na ngayon ay isang magsasaka ay humihiling na magkaroon ng farm-to-market sa aming lugar para mawala na ang mga taniman ng marijuana at mapalitan ito ng mga vegetables.
Ayon naman kay Regional Director Gil Castro, ng PDEA-Cordillera, dapat daw ay may magandang programa ang mga pulitiko sa laban sa laban sa mga tanim na marijuana.
“Agent pa lang ako ng PDEA noon ay problema na itong taniman ng marijuana sa rehiyon,lalo na dito sa Tinglayan.
Tuwing magsasagawa kami ng education campaign sa mga residente dito ay farm-to-market ang kanilang nakikitang solusyon upang hindi na maingganyo na magtanim ng marijuana sa lugar,” kwento ng Castro.
Aniya, bumababa na ang suplay ng shabu sa bansa at pinagbabalingan ngayon ay ang marijuana at habang hindi pa nagiging batas ang medical marijuana ay patuloy ang isasagawang eradication, hindi lamang sa Kalinga,kundi maging sa ilang bayan sa lalawigan ng Benguet.
Zaldy Comanda/ABN
May 11, 2025
May 11, 2025
May 11, 2025