LUNA, APAYAO – Patay ang isang driver ng motorsiklo matapos salpukin nito ang kasalubong na dumptruck sa kahabaan ng municipal road sa Barangay Salvacion, Luna, Apayao, noong hapon ng Hunyo 25.
Namatay sa mismong pinagyarihan ng insidente ang biktimang si Lawrence Malag Duran, farmer at residente ng Barangay Swan, Pudtol, Apayao.
Ayon sa Luna Municipal Police Station, ang biktima ay sakay ng kanyang motorsiklo na may sidecar dakong alas 5:30 ng hapon at habang papaliko ito sa may sharp curve ay napunta ito sa kabilang linya ng kalsada at bumangga sa kasalubong na dump truck.
Hindi nasugatan ang drayber ng dumptruck na si Bacrino Eugenio Apdal, 40, ng Barangay San Francisco, Luna, Apayao at helper nito na boluntaryong sumuko sa pulisya,habang masusing iniimbestigahan ang insidente.
Samantala, nakaligtas naman sa aksidente ang isang farmer na maghahahatid sana ng gulay sa Nueva Vizcaya, nang mawalan ng kontrol sa
minamaneho nitong Tamaraw Fx sa may Sitio Kaling,Barangay Adaoay, Kabayan, Benguet, kaninang hapon ng Hunyo 26. Ayon sa Kabayan MPS, minamaneho ni Angelo Dupilo Minyac,19, farmer, ng Barangay Amlimay, Buguias, Benguet ang kanyang sasakyan na puno ng repolyo para ihatid sa karatigbayan ng Nueva Vizcaya at habang papaliko sa sharp curve ay nawalan ito ng control ay tumagilid sa kalsada.
Agad naming rumesponde ang pulisya at sa tulong din ng mga bumiyahe sa lugar ay tinulungan ang biktima na hindi nasagutan at inialis ang sasakyan sa nakaharang sa kalsada.
Zaldy Comanda/ABN
July 2, 2022