LUNGSOD NG SAN FERNANDO, La Union
Dahil sa nakakapasong temperature dala ng El Niño, ang mga paaralan sa La Union ay mas flexible na ngayon sa
pagpapatupad ng modular learning (MDL) upang unahin ang kapakanan ng mga estudyante, ayon sa Department of Education (DepEd). Tinukoy ang Department Order 037, series of 2022, ang mga paaralan ay bingiyang kapangyarihan na mamili sa pagitan ng in-person classes, MDL, o isang kumbinasyon ng dalawa, na sinisiguro na
nagpapatuloy ang pag-aaral sa kabila ng matinding panahon.
Ang kautusang ito ay mapapayagan ang mga paaralan na suspendihin ang mga klase o gamitin ang alternative learning methods sa panahon ng mga likas na sakun at kalamidad, kasama ang heatwaves. “Extremely high
temperatures” ay tiyak na binanggit na isang makatuwirang dahilan para sa pagsasara ng paaralan o alternative learning arrangements sa memorandum. Ang desisyon na magsagawa ng in-person classes o lumipat sa MDL ay nasa kamay na ng mga administrador ng paaralan.
Minomonitor ng DepEd ang mga pagpipiliang ito upang masiguro ang pagpapatuloy ng pag-aaral at achievements ng estudyante. “School heads have the authority to suspend classes because heat intensity varies across locations,” paliwanag ni Jorge Reinante, DepEd La Union Schools Division Superintendent. “We recommend suspending classes when the heat index becomes detrimental to learning,” dagdag niya. Ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ay nag-isyu ng heat index bulletins, na tinutukoy ang mga lugar na nakakaranas ng mapanganib na init.
Ang “danger” classification na ito ay nagpapahiwatig ng mga temperature n amula 42 hanggang 51 degrees Celsius, na naglalagay ng malaking panganib sa kalusugan. Ang heat index, o apparent temperature, ay isinasaalang-alang kapwa ang relatibong kahalumigmigan at temperature ng hangin, na nagbibigay ng isang mas tumpak na sukat kung gaano kainit ang narararamdaman. Ang mga taong hindi sanay sa matinding init ay maaaring makaranas ng heat cramps, pagkapagod, o kahit stroke. Kinikilala ng DepEd ang likas na nakakasira at mga panganib sa kalusugan na
nauugnay sa matinding init sa mga silid-aralan.
“While we can’t control the weather, we can ensure proper classroom ventilation and readily available drinking water,” ani Reinante. Hinihikayat din ng mga paaralan ang mga estudyante na magdala na sarili nilang mga bote ng tubig upang maiwasan ang dehydration. Si Lovely Soriano, isang magulang ng isang Grade 4 na mag-aaral sa bayan ng Luna ay nagpahayag ng kaniyang kagustuhan para sa distance learning sa panahon ng heatwave. “Ilang mga classroom ay kulang sa airconditioning o wastong bentilasyon, kaya nagiging mahirap para sa mga mag-aaral na manatiling malamig at komportable,” aniya.
“Sa distance learning, mamomonitor ko ang pag-inom ng tubig ng aking anak upang maiwasan ang dehydration.”
Hinihikayat ng DepEd ang mga paaralan na sumunod sa mga alituntunin sa kalusugan na inilabas ng Department of
Health at iba pang mahalagang mga ahensiya upang maiwasan ang mga emergency.
(CSB/PIA La Union/PMCJr.-ABN)
April 13, 2024
September 20, 2024
September 20, 2024
September 20, 2024
September 20, 2024