Sa paglakas at dalas ng mga bagyo ay tumataas din ang pangangailangan ng bansa para sa mga hakbang sa pagkontrol sa baha. Sa madaling salita, ang “flood control” ay ang proseso ng pagbabawas ng mga epekto ng pagbaha sa mga barangay, bayan, munisipalidad at mga siyudad sa pamamagitan ng hard o soft engineering. Kung pag-uusapan ang tungkol sa pagkontrol sa baha ayon sa mga eksperto, isinaalang-alang ang flood mitigation at flood resiliency.
Ang mga taktika sa pagpapagaan ng baha ay maaaring mahulod sa dalawang kategorya – structural at non-structural. Ang mga structural na anyo na kinabibilangan ng mga seawall, floodgate, at mga kanal ay nagpapagaan ng mga baha sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga landscape. Ang mga non-structural na taktika na kinabibilangan ng mga matataas na istruktura, zoning, at mga building code, ay nagpapagaan ng pinsala sa pamamagitan ng pag-alis ng mga tao at ari-arian mula sa mga mapanganib na lugar.
Ang flood resiliency ay tumutukoy sa abilidad ng mga water at wastewater utilities na makayanan ang isang kaganapan sa pagbaha, mabawasan ang pinsala at mabilis na makabawi mula sa mga pagkagambala sa serbisyo. Ang iba pang mga hakbang, ayon pa sa mga eksperto sa pagpapagaan ay kinabibilangan ng mga emergency response plans, mga hadlang sa paligid nga mga pangunahing asset, elevated electrical equipment at higit pa. Kung titingnan ang mga nasabing mga pamamaraan ay mukhang madali namang gawin.
Ngunit bakit nga ba patuloy at paulit-ulit na lamang ang problema sa baha? Ang paglala ng baha sa Pilipinas ay kalimitang isinisisi sa basura na kadalasang ibinibintang sa mismong mga Pilipino lalo na sa mga mahihirap sa kalunsuran at sa kanilang pag-uugali sa pamamahala ng kanilang basura. Subalit sa mga pagsasaliksik ang ganitong pagbansag ay hindi totoo at nakakapaminsala. Ang mahihirap sa kalunsuran na sinisisi dahil sa kawalan ng disiplina ay kadalasang mas masipag sa muling paggamit, pagbabawas, at pagre-recycle kaysa sa iba, at ang kanilang mga kagawian sa pagkonsumo ay karaniwang hindi masyadong aksayado.
Nakulong ang mahihirap sa “ekonomiya ng sachet” kung saan nakadepende sila sa pangangailangan at hindi sa pagpili, sa mga maliliit na minsanang-gamit na nakabalot na mga produkto na hindi gaya ng mayayaman na bultuhan kung bumili. Ang mga multinasyunal na korporasyon na gumagawa ng napakaraming mga paketeng pang-isahang gamit ay target ang mga mahihirap na consumer, kaya di kataka-takang ang madaling itapon na mga paketeng ito ay posibleng maipon na basura. Isa pang hindi nakikita sa ibang paraan ay ang malaking basurang
iniaambag ng fast food industry.
Isa pang maaaring sisihin ay ang kakulangan sa operasyon ng mga Materials Recovery Facilities MRFs) sa mga barangay at ang hindi maayos na paghakot ng mga basura. Kilalang kadalasang hinahagupit ng malalakas na bagyo. Sa mga nagdaang mga taon ay palakas ng palakas ang mga bagyo na ang mga dating hindi binabahang mga lugar ay lumulubog na ngayon, sa halos lahat ng panig ng bansa. Milyong tao ang naapektuhan, daan-daang buhay ang nawawala at daang-milyong piso o kung hindi man bilyong pisong halaga ng ari-arian at imprastruktura ang nasisira na totoong nakakapanghina sa ekonomiya ng bansa.
Sa mga nakalipas na insidente ng malubhang pagbaha sa maraming lugar sa bansa ay hindi naiwasang ituro ang
sisi sa mga “flood control projects” ng pamahalaan na pinaglaanan ng daan-daang bilyong piso. Hinanap ng taongbayan kung saan napunta ang mga pondo na ipinagkatiwala sa mga kongresista. Sa ilalim ng 2023 national budget, PhP291.2 bilyon ng PhP1.46 trillion na total infrastructure outlay o 19.86% ang napunta sa flood control projects, tumaas ito sa PhP353 bilyon ngayong taon o 23.36% ng PhP1.5 trillion na gagastusin sa imprastruktura. Malaking bahagi ng pondo ay napunta sa DPWH na PhP282 bilyon noong 2023 at PhP351 bilyon para sa 2024.
Para sa taong 2025, ang proposed budget para sa flood control sa ilalim ng DPWH ay umabot sa PhP303 bilyon, na kumakatawan sa halos 34% ng total appropriations nito. Sa mga napakalaki at nakakalulang halagang ito ay dapat mayroon sanang mga nagagawa, kahit paunti-unti, subalit palala ng palala naman ang nagyayari. Tila naging sinungaling pa ang Pangulong Marcos Jr. nang ipagyabang niya ang nagawang higit 5,000 flood control projects. Ngunit katatapos lang ng kaniyang talumpati sa SONA noong Hulyo ay binaha ng todo ay malaking bahagi ng bansa. Anong nangyari sa mga flood control projects? Muling naulit ang mga pagbaha sa dumaang malalakas na bagyong sina Julian at Kristine kamakailan lang – muli hinananap ng mga tao ang “flood control projects”.
November 1, 2024
November 30, 2024
November 23, 2024
November 17, 2024
November 9, 2024
November 1, 2024