FREE CLUBFOOT TREATMENT PROGRAM, PATULOY NA ISINASAGAWA SA BGHMC

BAGUIO CITY

Patuloy na isinasagawa ng Baguio General Hospital and Medical Center ang kanilang libreng Clubfoot Treatment Program para makatulong sa mga batang nakakaranas ng clubfoot o kapingkawan sa Paa. Nagsimulang isagawa ang libreng programa na ito mula pa noong 2019 sa lungsod sa tulong ng mga doktor, nars at ang Miracle Feet Organization na sumusuporta sa proyektong ito. Sa nakaraang Ugnayang Panlungsod sa Baguio City Hall,nanawagan sina Dr. Rodel
Banggcaian at Edna Tomilas Camangan, site coordinator for the ClubFoot Program sa BGHMC sa mga magulang na may clubfoot problem sa kanilang anak, na agad itong ipakunsulta,upang maagap na magamot ito.

Ayon kay Camangan, “As of now we have 72 patients. Yoong 70 ay nasa maintenance phase na po sila at yong dalawa ay casting phase na”. Nabanggit din sa kanilang panayam na ang pinakabata
nilang pasyente ay nasa isang buwang gulang at ang pinakamatanda ay nasa labing pitong gulang.
Ibinahagi rin dito ang mga kakailanganing gawin kapag magpapa – rehistro sa libreng programang ito. Aniya, “We need the details and then i – eenroll po namin siya sa data ng BGH. We also have the cast up ngPNGOC”. Ipinaalam din ni Dr. Banggcaian na mayroong paraan upang ibalik sa normal
ang mga paa na hindi kinakailangan sumailalim sa operasyon.

Ayon sa kanya, “Ang nagiging problema kase sa clubfoot, maraming hindi nakakaalam na pwede itong lunasan. “They end up with the deformity as they grow older. 90% of the Clubfoot that we get,
pwede siyang magamot na hindi sumasailalim sa operasyon”. Nanawagan si Banggcaian sa mga taong nakakaranas ng clubfoot na magparehistro sa libreng programang ito upang mabigyan ito ng lunas. Dagdag pa nito, “The Miracle Feet is also very willing to give transportation allowances during the phase or during the entire treatment phase. So please help us spread the word and tell them that we treat clubfoot at the Baguio General Hospital”.

Rayah Tayag-UB Intern/ABN

Amianan Balita Ngayon