OUTDOOR CINEMA, SINEMUSIKAIN, ILULUNSAD SA BAGUIO CITY

BAGUIO CITY

Magbabalik sa ikatlong pagkakataon ang Cinema Under The Stars (CUTS) na magaganap sa Melvin Jones Grandstand, Burnham Park sa Marso 30-31. Bago ito, mauunang ilulunsad sa Marso 25
hanggang 31, ang Sinemusikain Food and Crafts fair bilang parte ng Cinema Rehiyon, na kapuwa programa ng selebrasyon ng 3rd Montañosa Film Festival (MFF) 2023 sa lungsod. Mapapanood dito ang mga pelikula hatid ng Cultural Center of the Philippines (CCP).

Layunin ng naturang event na ito iaangat ang lokal na pelikula at kumbinsihin ang ating mga kababayan na suportahan ang mga ito. Ang CUTS ay libre at bukas para sa lahat ng gustong manood. Ito ay isa lamang sa maraming pakulo ng Montañosa Film Festival sa kanilang week- long
celebration. Ang SineMusiKain na magbubukas mula alas 9:00 ng umaga hanggang alas 10:00 ng gabi ay isa lamang sa maraming event ng Montañosa Film Festival.

Sa naturang event ay matatagpuan ang iba’t-ibang aktibidad kagaya na lamang ng outdoor cinema, food stalls, at mga music performances. Isang linggong saya ang mararanasan ng mga dadalo, na
isa sa mga atraksyon ay ang panonood ng sine habang nasa loob ng kani-kanilang sa vintage volkswagen cars sa tulong ng Baguio Volkswagen Club (BVWC). Ayon sa festival director Ferdie Balanag, layunin ng Sinemusikain na ibida ang mga pelikula, talento ng mga music buskers, mga pagkain, at arts and crafts upang mag-enjoy ang mga dadalo.

Paolo Felipe-UB Intern/ABN

Amianan Balita Ngayon