BAGUIO CITY
Tiniyak ni Quezon Hill Punong Barangay Edita Lina Ibarra na mahigpit nilang ipapatupad ang mga city ordinances, lalong-lalo na ang operasyon sa ARO (Anti Road Obstruction) sa mga nakaparadang sasakyan sa ilang gilid ng kalsada. “The barangay can identify the possible areas that can be used for pay parking in case of emergency. But, it has to be inspected and approved
by the City Engineering Office,” pahayag ni Ibarra.
Iminungkahi ni Ibarra sa mga residente,lalong-lalo na sa mga may sasakyan na walang sariling parking na kausapin ang mga nagpapaupa na mayroong malaking paradahan upang humiling ng
kooperasyon ayon dito. Ang bilang din ng palikuran ay naka-ayon sa bilang ng mga taong
naninirahan. “Kapag sumobra sa 15 ang tao, dapat 2 kubeta na.” Susuriin ang bilang ng mga
nakatira upang matiyak ang pagsunod sa ordinansa.
Tiniyak din ni Ibarra ang Dogs Responsible Pet Ownership na bahagi din ng ordinansa ng
lungsod. Nananawagan ang barangay na isakatuparan ang lahat ng may alagang aso ang
pagpaparehistro at pagpapabakuna upang mapanatili ang kalusugan at kaayusan ng komunidad.
“Dapat the move is really collaborative na may obligasyon kami at may obligasyon din kayo otherwise walang mangyayari”, dagdag pa ni Ibarra.
Itinakda din na ihanay ang ang uri ng negosyo sa business permit dahil hindi naaayon ang mga
benta ng mga sari-sari stores sa tunay na uri ng kanilang negosyo na nakasaad sa kanilang aplikasyon para sa business permit. Kabilang din sa itinuturing ordinansa ang sari-sari store vendors, na kung saan ay nararapat na mayroon silang maipakitang health certificate. Bukod dito, ang pagsuot ng hairnet ay kinakailangan upang sumunod sa hygiene protocols.
Nakatanggap din ng mga reklamo ang barangay tungkol sa ilang sari-sari store na nagbebenta
ng alak sa mga menor de edad. Ayon sa mga opisyal, dapat nakasaad sa kanilang business clearance ang patakaran na Cigarette Beer & Liquor (CBL) upang masigurong sumusunod sila sa batas. Bukod pa rito, kailangan na magkaroon ng closure time dahil sa barangay ordinance na nagtatakdang magsara na sila ng 9:00 PM.
Ron Christian Nacionales-UB Intern/ABN
March 24, 2023
March 24, 2023
June 3, 2023
June 3, 2023
June 3, 2023