CAMP BADO DANGWA, Benguet
Pinangasiwaan ni Lt. Gen. Felipe Natividad, commander ng Area Police Command-Northern Luzon, ang pagtatalaga kay Brig. Gen. David Peredo, Jr., bilang ika-32 regional director ng Police
Regional Office-Cordillera sa ginanap na turn-over ceremony sa Camp Major Bado Dangwa, La
Trinidad, Benguet, noong Marso 21. Si Peredo, na tubong Sagada, Mt. Province at miyembro ng Philippine National Police Class 1992 at nagsilbi bilang Deputy Regional Director for Administration sa PRO-5, bago naitalagang regional director ng binansagang “Home of Most
Discipline Police” ang Cordillera.
Si outgoing regional director Brig. Gen. Mafelino Bazar, na nagsilbi ng pitong buwan at dalawang araw, ay itinalaga bilang deputy commander ng APC-Norther Luzon. “Cordillera po ako at
matagal na po akong naglilingkod dito kaya malaki po ang tiwala ko sa kakayahan ng mga pulis dito, lalo pa po nating palalawakin ang presensya ng mga pulis sa bawat barangay, lalo na ngayong nalalapit na ang barangay election, na dapat planuhin kaagad upang mapanatili natin ang mapayapang halalan sa ating rehiyon,” pahayag ni Peredo.
Ayon kay Peredo, palalawakin pa niya ang programa at adbokasiya ng Malaskit, Kaayusan
Kapayapaan = Kaunlaran (MKK=K) at Kapulisan, Simbahan, at Pamayanan (KASIMBAYANAN) ni Chief PNP General Rodolfo Azurin, Jr. Aniya, patutupad din niya ang Disiplina,Kakayahan at Pagmamahal sa pagtupad sa tungkulin o’ ang tinatawag na DKP, na siyang magiging gabay ng mga kapulisan na maisagawa ng maayos ang serbisyo publiko.
Zaldy Comanda/ABN
March 24, 2023
May 27, 2023
May 27, 2023
May 27, 2023