Gamit pang-saka mula DA, hinarang ng kongresman

Jul 23, 2017

SAN JUAN, ILOCOS SUR – Napurnada ang tatanggapin sanang kagamitan mula sa Department of Agriculture para sa anim na asosasyon ng mga magsasaka sa Cabugao, Ilocos Sur matapos na diumano ay harangin ang pamamahagi ng mga ito bunsod ng away sa pagitan ng lokal na gobyerno at ng pamilya ni second district Rep. Deogracias Savellano.
Ayon sa grupo ng mga magssaka na Solidarity of Peasants Against Exploitation (STOP Exploitation), iniulat ng kanilang mga pinuno at miyembro sa Cabugao municipal chapter na Alyansa Dagiti Kumpang ti Cabugao (ALCUMPAC) na apektado ng naturang away ang paghahatid sa mga gamit na pang-saka mula sa DA.
Ang mga asosasyon ng magsasaka sa mga barangay ng Salapasap, Baclig, Nagsingcaoan, Sabang at Sisim, pawang sa bayan ng Cabugao, ay tatanggap sana ng hand tractors at water pumps at isang 4-wheel tractor ngunit pinigilan umano ni Savellano.
“We are urging all parties concerned to shape up, leave projects and services for farmers out of their differences,” pahayag ni Zaldy Alfiler, secretary general ng Stop Exploitation.
Aniya ay dapat na isantabi ng mga opisyal ng Ilocos Sur ang pamumulitika at sa halip ay tutukan ang paghahatid ng suporta na kailangan ng mga magsasaka upang mapaunlad ang sektor ng agraryo.
“We have received reports from our members that six farmers association were supposed to receive tractors from the DA but according to the department’s personnel in Batac, Ilocos Norte, Cong. Savellano asked to put the release of the equipment on hold,” ani Alfiler.
Si Savellano ay hindi pa makontak para makuhanan ng panig nito.
Ayon kay Alfiler, ang naturang away ay nagsimula sa pagtatalo ng pamahalaan ng Cabugao at pamilya ng Savellano ukol sa pamamahala ng Cabugao Beach Resort. Nauna rito ay inaprubahan ng Cabugao Sangguniang Bayan ang isang resolusyon na pumupuna sa anak ni Savellano na si Nicole ng trespassing dahil sa pagtanggi nitong umalis sa pasilidad para sa bidding ng panibagong lease contact.
Dagdag pa ni Alfiler, sinabi ng ALCUMPAC na hindi ito ang unang pagkakataon na nabinbin ang pagbibigay ng assistance sa mga lokal na magsasaka sa Cabugao bunsod ng pagharang ng mga politiko.
“The last thing we need are politicians getting back at each other at the expense of farmers, it is appalling for public officials to let politics affect the delivery of vital assistance to us,” giit ni Alfiler. ACE ALEGRE / ABN

RELATED POSTS

AMIANAN POLICE PATROL

2 Male minors arrested for possession of illegal drugs and airsoft guns Two minors involved in a commotion were arrested after they were...

HEARING AID

HEARING AID

DOH-Ilocos Region Chief of Local Health Support Division Jimuel S. Cardenas, hearing aid recipient -Ryan K. Palacay, Regional Director...

LATEST NEWS

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

BAGUIO CITY (September 26, 2022)—Typhoon "Karding" did not directly hit the highland Cordillera though some 139 families in four provinces sought refuge to safer grounds, the social welfare department said. In Abra, 47 families consisting of 156 individuals were...

5 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO, ABRA

CAMP DANGWA, Benguet -- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang drug personalities matapos silang arestuhin sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City at Abra noong...

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor Benjamin Magalong, SM Assistant Vice President of Operations SM North 1 Jansenn Pe and SM Mall Manager Rona Correa led the unveiling...

PANGASINAN MANGPATAUD ITI SALT CENTER PARA PANAGSIRARAK, PRODUKSION

LINGAYEN, Pangasinan -Asidegen a mangipasdek iti probinsia a gobierno ti Pangasinan iti maysa a salt center iti probinsia tapno mapasayaat iti panagsirarak ken kamaudiananna iti produksion iti asin nga isut naggapuanan iti nagan ti probinsia. Iti maysa nga interbiu...

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

Affirming the Provincial Government of La Union’s support to the Philippine National Police’s commitment in securing a peaceful and orderly province, Gov. Raphaelle Veronica “Rafy” Ortega-David graced the 121st Police Service Anniversary celebration of the La Union...

DEVELOPERS MEET, DISCUSS SOLUTIONS FOR THE COUNTRY’S HOUSING INDUSTRY

As of 2017 , housing backlog estimated at 6.7 million ; developers target building two million for 2022 Every Filipino family aspires owning a home. Years, the Subdivision and Housing Developers Association, Inc. (SHDA) has relentlessly been trying to make that dream...

FACE MASK BOLUNTARYO NA ANG PAGGAMIT SA BAGUIO

BAGUIO CITY – Sa mga naasiwa na sa paggamit ng facemask ay nagbigay na ng signal si Mayor Benjamin Magalong at ang city council sa pamamagitan ng naaprubahang resolusyon na puwede ng hindi mag face mask o’ boluntaryo na lamang ang paggamit nito sa mga outdoor setting...

ADOPTED SON

ADOPTED SON

Iginawad ng provincial government ng Kalinga ang mataas na pagkilala kay PNP Chief Gen.Rodolfo Azurin,Jr., bilang adopted son ng Kalinga at pinangalanang "Inchakas" sa kanyang pagbisita sa lalawigan noong Setyembre 15, Photo by Kalinga PPO/ABN

MANNALON TI ILOCOS NORTE AGAPIT MANIPUD RICE HYBRID PROJECT

SUIDAD TI LAOAG, Ilocos Norte-Dagiti mannalon a nalipaset iti maysa a 160- hectare hybrid rice cluster technology demonstration project sadiay Ilocos Norte ket agapiten iti mulada inton sumaruno a lawas. Ipalgak dagiti nadumaduma a teknolohia ti panangpataud iti bagas...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Pin It on Pinterest