GAYUMA NG PANAGBENGA

WALANG pagsidlan ang tuwa at galak nitong nagdaang buwan ng Panagbenga. Hindi maitatatwa ang hatak ng taunang Baguio Flower Festival. Dagsa ang mga bisita. Sinakop ang anumang espasyo, mapanood lang ang mga ipinagmamalaking centerpiece events- ang street dancing competisyon at ang pusong-luksong grand floral parade.
Iisa ang dahilan: walang kakupas-kupas ang taunang estival kung ang usapan ay ang halinang dala ng mga tried and tested na pang-gayuma.

Ang makumpyansang prediksyon nga ng ating Mayor Benjie: mga isang milyong turista ang inaasahang makikisaya sa atin, masaksihan lamang ng live at alive ang Panagbenga2024. Kakaiba talaga ang hatak ng Baguio kapag mga
premyadong kasayahan ang napag-usapan. Laging una sa puso ng mga Pilipino, lalo na ang mga ordinaryong kabalat na munting kibot at nandyan na at sinasagasa ang Kennon Road at Marcos Highway.

Taun-taon naman, premyado ang dating pag Panagbenga at Baguio ang batayan ng mga dapat mapagsaluhan. Mayroon bang festival na kasing ganda at kasing gilas ng Panagbenga? Mayroon bang pangunahing destinasyon na
dadaig sa Baguio? Tatlong oras na pribadong byaheng sa lupa, langhap na ang bango ng pinong puno. Magbigay pugay tayong mga taga Baguio sa muli at muling pagbibigay kasiyahan sa ating mga bisita. Isang pagsaludo sa kanilang walang sawang pagmalasakit at suporta ng hindi kailanman natinag at nanghina.

Mabuhay po kayo!

Amianan Balita Ngayon