PARACELIS, Mt.Province
Isang 26 anyos na babae ang pinatay sa saksak ng patalim ng kanyang live-in partner na nagkaroon ng matinding pagseselos na naganap noong madaling araw ng Hunyo 26 sa Sitio Tangngag, Poblacion, Paracelis Mt. Province. Kinilala ng Paracelis Municipal Police Station ang biktimang si Clexy Ligligon Ilacad, 26 and resident of Sitio Tangngag, Poblacion, Paracelis, Mt. Province. Ang suspek na tumakas matapos ang insidente ay kinilalang si Rodante Banguiyao Palangdao, 37, alyas“Afer”, farmer and resident of Sitio Tangngag, Poblacion, Paracelis, Mt. Province.
Ayon sa Paracelis MPS nag-responde sila tawag ng isang concerned citizen na may naganap stabbing incident sa nasabing lugar. Sa pahayag ng mga nakasaksi na narinig nila ang maglive-in partner na nagkaroon ng mainitang pagtatalo kaugnay sa pinaghihinalaan umano ng suspek na may ibang lalaki ang biktima. Maya-maya ay nakarinig umano ng sigaw ang ina ng biktima na humihingi ng saklolo. Mabilis na sumugod ang ina sa kuwarto ng biktima at nakita niya umano na sinasaksak ng patalim ang kanyang anak.
Sinigawan pa umano nito ang suspek na tumigil sa pagkasaksak, subalit inakmahan umano siyang sasaksakin ng patalim. Mabilis na isinugod ng mga kamag-anak ang biktima sa Paracelis District Hospital, subalit idineklara itong dead on arrival ng attending physician na si Dr. Presentacion Matib. Sa follow-up report, napag-alaman na ang suspek,kasama ang isang kamag-anak ay nagtungo sa Paracelis MPS dakong alas 9:49 ng umaga ng araw din iyon, para sa boluntaryong
pagsuko nito.
Zaldy Comanda/ABN