Ginang, tinakbuhan ng nakabunggo

Tinakbuhan ang isang online medical editor matapos itong mabunggo bandang 6:30pm ng Hulyo 1, 2018 sa kahabaan ng City Camp Central, Baguio City.
Inireklamo ng biktimang si Shiela Munar Camatayan, 44, online medical editor at residente ng nasabing lugar, ang suspek na si Lorenzo Carillo Bonce, 46, welder at residente ng Military Cut-Off, Baguio City.
Ayon sa imbestigasyon, naglalakad ang biktima sa gilid ng kalsada ng City Camp Central papuntang City Camp Proper nang mabunggo ang likod ng biktima ng Toyota van na may plakang THK 639 na minamaneho ng suspek, kung kaya’t natumba ito at nagtamo ng mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Matapos ang insidente, mabilis na tumakas ang sasakyan. Subalit, na-korner ang sasakyan sa harap ng Barangay Hall ng City Camp Proper.
Ang suspek ay naka-detain sa Baguio City Jail sa pamamagitan ng disposisyon ni Inquest Prosecutor Farah C. Agunos.

Amianan Balita Ngayon