LA TRINIDAD, Benguet – Nadakip ng magkasanib na tauhan ng Benguet Provincial Police Office at Philippine Drug Enforcement Agency-Cordillera ang isang grab drayber at manager ng coffee shop sa isinagwang buybust operation noong gabi ng Hulyo 19 sa Barangay Puguis,La Trinidad, Benguet.
Kinilala ang nadakip na sina Randall Lee Pulacan Dominguez z , 33 , alyas Noynoy,grab drayber, tubong Poblacion, Bauko, Mt. Province at residente Dizon Subdivision, Baguio City at Gianne Salucan Laca, 24, coffee shop manger at residente ng Barangay San Vicente, San Fernando City. La Union
Sinabi ni Col. Reynldo Pasiwen, provincial director, si Dominguez ay kabilang sa High Value Individual (HVI) na matagal ng sinusubaybayan ng pulisya kaugnay sa pagbebenta nito ng shabu na front ang pagiging grab drayber, samantalag ang kasabwat nitong si Laca ay kabilang sa Street Level Individual (SLI).
Isinagawa ang buy-bust operation na sinaksihan ni Puguis Barangay Chaurman Tyron Diaz at Prosecutor Jonjon Amcay, DOJ representative, nang ibenta ni Dominguez sa poseur buyer ang 3.36 gramo ng shabu na may halagang P22,848.
Nakuha naman sa possession ni Laca ang isang plastic sachet na naglalaman ng 0.54 gramo ng shabu na may halagang P3,672. Bukod sa illegal drugs ay nakuha din sa mga suspek ang mga boodle money na ginamit sa buy-bust; isang Blue Tecno Spark touchscreen cellular phone with black casing; isang White Samsung A32 touchscreen cellular phone with casing; isang brown wallet containing assorted IDs and different cash denominations; isang red pouch containing a bunch of keys and different cash denominations;isang blue red lighter at ATM/credit cards.
Zaldy Comanda/ABN
July 23, 2022