Personal na pinulong ni GRACE Guardians National Chairman at CEO Chairman ng AASENSO Partylist Isagani “INFSGF GANY” R. Nerez ang Board of Directors and Officers ng Baguio-Benguet Chapter upang bigyang-diin at talakayin ang ilang impormasyon na kailangan gawin sa lalong madaling panahon, pinarepaso sa mga komite ang mga dokumento para sa mga proyekto ng barangay, mga planong kooperatiba at training academy na kailangan minsanan makumpleto ang mga requirements at feasibility study.
Maging sa scholarship ay naka-tie-up ang AASENSO Partylist para sa mga GRACE Guardians member at may nakalaan na rin pondo sa Baguio General Hospital para sa medical assistance kung kinakailangan.
“May nakalaang pondo ang AASENSO sa mga proyekto ng Baguio-Benguet Chapter na hanggang ngayon ay wala pang naire-release dahil sa pagkakabinbin ng mga proposal alam natin kung paano ang mga proseso na ginagawa ng mga kongreso sa kanilang pondo na idinideretso na ito sa mga departamento ng ahensya ng gobyerno, kaya dito minsan naisasama ang pondo ng AASENSO na laan dapat sa GRACE Guardians.”
“Kinausap ko rito si Kuya Ted na paglaanan din ng pondo ang para sa Baguio-Benguet dahil nababatid ko rin na may mga pinanghahawakan kayong mga proposal at kaya ipinararating ko muli sa inyo na ayusin niyo na hangga’t maaari ang mga ito,” ani Nerez.
Hindi pa rin nagsasawang magbigay ng mga paalaala sa mga nakakataas na may mga tungkulin para masiguro ang tamang pamamaraan ng pagpapatakbo sa grupo ng Baguio-Benguet.
Upang magkaron ng kagaanan sa pagre recruit at maparami ang miyembro ay minabuti ni Supremo Nerez ang paghiwalayin ang Baguio at Benguet Chapter na magkaroon din ng sariling officers at BODs, iniutos na gumawa ng resolution ang provincial board para sa magiging election ng president ng Baguio at Benguet sa lalong madaling panahon.
Ipinababatid ni Nerez sa lahat ng mga BODs, officers at mga miyembro na maging mahinahon at maingat sa pagre-recruit na makasama sa ating organisasyon, pagsikapan na tama ang docrination at orientation sa mga neophytes upang di makasira sa samahan.
“Kasalukuyang kabuuan bilang ng miyembro ng GRACE GUARDIANS sa buong Pilipinas ay umaabot na sa 60,000 aktibong miyembro at target natin sa year 2019 ay makapag recruit tayo ng mga 200,000 at sa year 2022 naman ay kailangan maabot na natin ang target goal na half million member,” pagtatapos ni Nerez. ABN
May 7, 2017
September 13, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024