Gun-for-hire nasakote sa Ilocos Sur

Jan 28, 2019

CAMP BGEN OSCAR M FLORENDO – Isang tinaguriang high value target (HVT) ng pulisya na miyembro ng gun for hire, ang nadakip sa drug-buy bust operation sa Barangay Guimod, Bantay, Ilocos Sur, noong Enero 23.
Kinilala ni Chief Superintendent Romulo Sapitula, regional director ng Police Regional Office-1, ang nadakip na si Marvin Y. Macugay, 30, ng  Sta. Cruz, Sinait, Ilocos Sur.
Nakatala sa pulisya bilang Level 2 High Value Target at kilala bilang miyembro ng Igne-Rosete Gun-for-hire Group na may operasyon sa Region 1, hanggang National Capital Region (NCR).
Ayon kay Sapitula, magkasanib na puwersa ng CIDG Ilocos Sur, Regional Intelligence Division of PRO1 (RID-PRO1), Ilocos Sur Hi-way Patrol Group (HPG), Provincial Intelligence Board (PIB) at Bantay MPS ang nagsagawa ng operasyon at nakuha sa suspek ang isang .38 caliber homemade revolver at walong bala nito; isang hand grenade at dalawang piraso ng P500-peso bills na ginamit bilang buy-bust money.
Sa imbestigasyon, napag-alaman na si Macugay  ay nadakip noong Nobyembre 24, 2016 sa kasong paglabag sa R.A. 10591, pero nadismis ang kaso nito at noong Disyembre 27, 2016 ay kusang-loob na sumuko ito, matapos malamang ibinilang siya sa pagiging drug personality.
Sa Pangasinan, nagsagawa ng search warrant operation ang mga tauhan ng RID-PRO1 at Calasiao MPS laban kay Ringor Osian Zulueta, 34, laborer,ng Barangay Nagsaing, Calasiao, Pangasinan sa kasong paglabag sa RA 10591.
Ang operation ay nagresulta sa pagkakakumpiska ng isang caliber 38 revolver; isang COMO holster at bala ng cal. 7.62. Bagamat wala ang suspek nang isagawa ang operasyon ay sinampahan na ito ng kaso.
Samantala, sa kabuuang 1,254 checkpoints ng pulisya sa rehiyon simula nang implementasyon ng gun ban noong Enero 13 ay nakakumpiska ang pulisya ng 32 assorted firearms at pagdakip sa 42 persons, na sinampahan ng kasong paglabag sa Omnibus Election Code.
Zaldy Comanda/ABN

RELATED POSTS

AMIANAN POLICE PATROL

2 Male minors arrested for possession of illegal drugs and airsoft guns Two minors involved in a commotion were arrested after they were...

HEARING AID

HEARING AID

DOH-Ilocos Region Chief of Local Health Support Division Jimuel S. Cardenas, hearing aid recipient -Ryan K. Palacay, Regional Director...

LATEST NEWS

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

BAGUIO CITY (September 26, 2022)—Typhoon "Karding" did not directly hit the highland Cordillera though some 139 families in four provinces sought refuge to safer grounds, the social welfare department said. In Abra, 47 families consisting of 156 individuals were...

5 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO, ABRA

CAMP DANGWA, Benguet -- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang drug personalities matapos silang arestuhin sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City at Abra noong...

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor Benjamin Magalong, SM Assistant Vice President of Operations SM North 1 Jansenn Pe and SM Mall Manager Rona Correa led the unveiling...

PANGASINAN MANGPATAUD ITI SALT CENTER PARA PANAGSIRARAK, PRODUKSION

LINGAYEN, Pangasinan -Asidegen a mangipasdek iti probinsia a gobierno ti Pangasinan iti maysa a salt center iti probinsia tapno mapasayaat iti panagsirarak ken kamaudiananna iti produksion iti asin nga isut naggapuanan iti nagan ti probinsia. Iti maysa nga interbiu...

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

Affirming the Provincial Government of La Union’s support to the Philippine National Police’s commitment in securing a peaceful and orderly province, Gov. Raphaelle Veronica “Rafy” Ortega-David graced the 121st Police Service Anniversary celebration of the La Union...

DEVELOPERS MEET, DISCUSS SOLUTIONS FOR THE COUNTRY’S HOUSING INDUSTRY

As of 2017 , housing backlog estimated at 6.7 million ; developers target building two million for 2022 Every Filipino family aspires owning a home. Years, the Subdivision and Housing Developers Association, Inc. (SHDA) has relentlessly been trying to make that dream...

FACE MASK BOLUNTARYO NA ANG PAGGAMIT SA BAGUIO

BAGUIO CITY – Sa mga naasiwa na sa paggamit ng facemask ay nagbigay na ng signal si Mayor Benjamin Magalong at ang city council sa pamamagitan ng naaprubahang resolusyon na puwede ng hindi mag face mask o’ boluntaryo na lamang ang paggamit nito sa mga outdoor setting...

ADOPTED SON

ADOPTED SON

Iginawad ng provincial government ng Kalinga ang mataas na pagkilala kay PNP Chief Gen.Rodolfo Azurin,Jr., bilang adopted son ng Kalinga at pinangalanang "Inchakas" sa kanyang pagbisita sa lalawigan noong Setyembre 15, Photo by Kalinga PPO/ABN

MANNALON TI ILOCOS NORTE AGAPIT MANIPUD RICE HYBRID PROJECT

SUIDAD TI LAOAG, Ilocos Norte-Dagiti mannalon a nalipaset iti maysa a 160- hectare hybrid rice cluster technology demonstration project sadiay Ilocos Norte ket agapiten iti mulada inton sumaruno a lawas. Ipalgak dagiti nadumaduma a teknolohia ti panangpataud iti bagas...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Pin It on Pinterest