Isang 30-anyos na English teacher at dalawa pa nitong kasama ang dinakip ng pinagsanib na pwersa ng Baguio City Police Office at Philippine Drug Enforcement Agency Cordillera (PDEA-CAR) at nagbunsod sa pagkumpiska sa 105gramo of shabu na nagkakahalaga ng tinatayang P500,000 sa isang operasyon noong Agosto 18, 2017.
Sa ulat ni PDEA-CAR information officer Joseph Frederick Calulut noong Agosto 19, ang naturang shabu ay nakumpiska sa isang raid sa Purok 7, Asin Road, Irisan.
Nadakip si Brian Leonille Valdes Dris, 30, isang English language teacher, at residente ng Asin Road, matapos itong nagbenta ng bawal na gamot sa undercover agent sa loob ng kanyang apartment.
Ayon kay Calulut, nahuli rin si Aaron Paul de Guzman Vergara, 26, residente ng BGH Compound, at ang kanyang 23-anyos na kasamang babae na nagpa-pot session nang isinagawa ang raid.
Nakumpiska ng otoridad ang dalawa pang heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu, isang plastic sachet ng hinihinalang dried marijuana leaves, ilang drug paraphernalia at ang buy-bust money.
Ani Calulut, ang nakuhang bawal na gamot ang kasalukuyang pinakamalaking nakumpiska ngayong taon sa Baguio City.
Dahil sa naturang operasyon ay nasamsam ang P525,000 halaga ng shabu at napigilang maikalat sa lungsod.
Ang mga suspek ay haharap sa paglabag sa Section 5 (sale of dangerous drugs), Section 11 at 12 (possession of dangerous drugs and paraphernalia) at Section 15 (use of dangerous drugs) ng Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Ang Section 5 ay isang non-bailable offense. LIZA AGOOT, PNA
August 27, 2017
August 27, 2017
April 19, 2025
April 12, 2025
April 5, 2025
April 5, 2025
March 22, 2025