Kung tutuusin, maraming pagkukunan ng pondo ang pamahalaan para ipang-tustos sa mga programang pansamantalang aayuda sa ating kabababayang hikahos, lalo ngayong pandemya. Natukoy na bukod sa mga “nagtatabaang” government corporations, maaring ang pondo’y magmula mga offshore gaming operations o POGOs at ang naglipanang “online sabong” sa buong bansa.
Nag go-signal na ang Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR) sa “online sabong (cockfighting)” sa mga kwalipikadong operators. Bukod sa mahigpit na pangangailangan ng pondo,
kailangang masusing tignan ng pamahalaan, bilang regulatory function nito, ang P50 bilyong operasyong “online cockfighting” upang protektahan din ang kapakanan ng mga manlalaro kontra sa posibleng pandaraya din ng mga operators.
Sa hakbang na ito’y– “hitting two birds with the same stone”– dahil bukod sa makakalikom ang pamahalaan ng kinakailangang “revenue”, masasawata pa ang maaaring panloloko sa mga operasyong ito.
Tutal, hindi naman talagang kayang patigilin pa ng pamahalaan ang “online sabong”. Sa tinagal-tagal nang operasyong nitong “cat-andmouse” sa pamahalaan kung saan saan sa buong bansa, kasama na ang Northern Luzon, mainam na i-regulate na lamang ito.
Ayon sa Pagcor, limang kumpanya ang naghain ng aplikasyon upang mag-operate ng online sabong, ngunit dalawa lamang ang pinayagang magumpisa ang Lucky 8 Star Quest Inc. ng Pitmaster Live at Belvedere Corp. Nagsumite na ng mga kilakailangang dokumento ang dalawa gaya ng “paid-up capital” at “performance bond”. Bawat lisensyadong operator ng online sabong ay kinakailangang magbigay sa pamahalaan ng P100M bawat buwan.
Kaya’t kung susumahin, makakalikom ang pamahalaan ng P1.2B sa Lucky 8 Star Quest Inc. at P1.2B din sa Beldevere Corp. sa isang taon lamang. Napakalaking halagang maaring mapakinabangan ng mamamayan, hindi ba?
Malaking hamon ngayon, lalong lalo na sa bagong talagang hepe ng pambansang pulisyang si Lt. Gen. Guillermo Eleazar na habulin at panagutin kung sino man ang nagpapaonline sabong sa buong bansa, gaya ng isang nagngangalang “Mulong” sa Pangasinan at La Union; sa Ilocos Sur; at sa Cagayan.
May 8, 2021
May 3, 2025
May 3, 2025
May 3, 2025
May 3, 2025
April 26, 2025