HAPAG PROGRAM INILUNSAD SA BJMP MALE DORM

BAGUIO CITY

Inilunsad ng Baguio City Male Dorm ang kanilang mini garden at plant nursery para sa programang “ Halina’t magtanim ng Prutas at Gulay “ noong Marso 9. Ayon kay JSupt. Desiree
Jomandron,assistant regional director for operation ng BJMP, ang programa ay isinadya para sa mga Persons Deprived of Liberty (PDL) na magtanim ng mga gulay at prutas habang sila ay nasa loob ng bilangguan.

Hinihikayat din ni Jomandron ang lahat ng Jail Unit na magkaroon ng sariling mini-garden sa kanilang pasilidad, dahil malaking tulong ito sa mga may health problems na PDL. Ibinahagi din ni Rev. Rowena Orajay, sa kalagitnaan ng kanyang pagbabasbas sa pagbubukas ng mini-garden, ang mga buto o seeds ay isinisimbulo nito sa mga PDLs sa bilangguan. Si Rev. Orajay ay mula sa Jesus Reigns Ministries at president ng Uplife Movement ay partner ng BJMP sa spiritual at jail based intervention program/ behavioral intervention.

Aniya, “Yoong mga seeds o yong mga seedlings na itatanim natin symbolizing of course the PDLs at ito pong bureau natin is a good ground. As we will plant the seedlings we will be reminded that there is hope in this facility there is hope in this bureau.” Ang mini-garden ay magsisilbing recreational activity para sa mga PDLs, at kasama nila ang mga jail personnel na magpaparami at mag-aalaga ng mga tanim na gulay at prutas sa kanilang hardin.

John Julius Avila-UB Intern/ABN

Amianan Balita Ngayon