Higit 60,000 aso sa Benguet, mababakunahan ng anti-rabies sa taong ito

Mar 10, 2018

LA TRINIDAD, BENGUET – Target ng Provincial Veterinary Office (PVO) na bigyan ng anti-rabies vaccine ang 63,388 aso sa taong ito.
Sinabi ni PVO head Mirian Tiongan noong Martes na ang libreng anti-rabies vaccination ay isinasagawa na sa 13 munisipalidad ng Benguet mula pa noong Pebrero sa pakikipag-koordinasyon sa municipal agriculturists, barangay officials, Department of Health (DOH) at ang Philippine National Police (PNP).
Ayon pa kay Tiongan ay apat na karagdagang personnel ang kinuha upang tumulong sa vaccination program upang makamit ng PVO ang target nito.
Sinabi pa niya na ang mga bakuna ay galing sa Bureau of Animal Industry ng Department of Agriculture (DA-BAI).
Ang nasabing libreng dog vaccination drive ay tatagal hanggang Mayo ng taong ito para maitampok sa Rabies Awareness Month na may temang “Barangay Kaagapay sa Rabies Tagumpay.”
Hinikayat ni Tiongan ang publiko na maging responsableng pet owners sa pagkukusang pabakunahan ang kanilang mga alaga.
Noong 2017 ay namonitor ng Benguet PVO ang tatlong kaso ng rabies-infected dogs – tig-isang kaso sa Camp 1, Tuba; Ucab, Itogon; at Beckel, La Trinidad. ABN

RELATED POSTS

ADIVAY GRAND CANAO

ADIVAY GRAND CANAO

Benguet Rep. Eric Go Yap encourages the people of Benguet to support and be one in celebrating the 122nd Benguet Foundation Day as its...

LATEST NEWS

CONCRETE PLANT COMPLIED WITH DENR-RECOMMENDED MITIGATING MEASURES

CONCRETE PLANT COMPLIED WITH DENR-RECOMMENDED MITIGATING MEASURES

BAGUIO CITY (November 28, 2022) -- Triple A public works contractor Phesco Inc., operating a concrete batching plant in Sablan, Benguet, insists it has instituted mitigating measures averting earlier complaints of concrete spillages into the drainage system in sitio...

TATLONG MAGKAIBIGAN ARESTADO SA KASONG PANGGAGAHASA SA KALINGA

RIZAL, Kalinga - Tatlong magkakaibigan na pawang sangkot sa panggagahasa noong 2011, ang inaresto ng mga tauhan ng Rizal Municipal Police Station, dakong alas-5:20 ng hapon, habang naghihintay ng bus papuntang Tuguegarao City sa junction ng Barangay Liwan. Kanluran,...

DEPAP

DEPAP

Men from the 13 municipalities of Benguet participate in the traditional pig catching as part of the Grand Canao event of the 122nd Benguet Foundation Anniversary thru the Adivay Festival at the Benguet Sports Complex on Wednesday. November 23, 2022. RMC PIA-CAR

IT BEGINS

IT BEGINS

Members of the Fil-Am Golf Invitational executive committee pose with Baguio mayor Benjamin Magalong after the ceremonial tee-off at the Baguio Country Club Thursday, Nov. 24 that signal the starts of the 72nd edition of the worlds largest amateur golf tourney. Some...

10 DRUG PERSONALITIES, NALAMBAT SA OPERASYON SA CORDILLERA

LA TRINIDAD,Benguet -- Arestado ang sampung drug personalities sa isang linggong anti-illegal drugs operation ng Police Regional Office-Cordillera na isinagawa mula Nobyembre 13 hanggang 19. Sa talaan ng Regional Operations Division (ROD) ng PROCOR, anim na drug...

BARANGAY MERGING ISINUSULONG NA SA LUNGSOD NG BAGUIO

BAGUIO CITY – Inaprubahan na sa unang pagbasa ng Sangguniang Panlungsod sa kanilang regular session noong nakaraang Lunes ang iminungkahing ordinansa na nag-aapruba sa pagsasanib ng 128 barangay ng lungsod mula sa 34 barangay lamang, na napapailalim sa mga limitasyon,...

MINE SAFETY FIELD DEMO

MINE SAFETY FIELD DEMO

The Philippine Mine Safety and Environment Association held its Mine Safety Demo and Competition at the Melvin Jones football field. Mining companies all over the country demonstrate their skills in Mine Safety and first aid response during the COVID-19 Pandemic....

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Amianan Balita Ngayon

Pin It on Pinterest