Higit kailanman, Coolest Palaro ngayon na

Aug 13, 2017

Taong 1996 ay sinubukan ng lungsod ng Baguio na lumahok sa bidding upang maging punong-abala sa prestisyosong taunang Palarong Pambansa subalit naging matamlay ito at hindi na muling naulit pa. Ang Palarong Pambansa ay isang taunang multi-sport event na nagsimula pa noong 1948 na nilalahukan ng mga atletang-estudyante mula sa 18 rehiyon ng bansa na inorganisa at pinamamahalaan ng Department of Education.
Ang mga atletang-estudyante mula sa mga pribado at pampublikong paaralan sa elementarya at sekondaryang lebelo ay maaaring makipagpaligsahan basta kuwalipikado at nananalo sa kani-kanilang pang-rehiyon na paligsahan. Para sa mga batang manlalaro, ang Palarong Pambansa ay ang kulminasyon ng kompetisyon sa palakasan ng mga paaralan na nagsisimula sa mga lokal na intramurals, na susundan ng congressional district, provincial at regional athletic meets. Karamay ang mga lokal na pamahalaan sa bawat tagumpay ng mga atletang-mag-aaral, kaya lubos ang suporta ng mga opisyal sa bawat pakikilahok nila.
Nag-umpisa noong taong 2015 ay nilikha ang Palarong Pambansa Board sa bisa ng Palarong Pambansa Law ng 2014 ang siyang pangunahing responsable sa preparasyon at pagpapatupad ng palaro. Ang board din ang nagsisilbing policy-making at coordinating body ng taunang torneo. Noong una, ang pagiging host ng pambansang palaro ay itinatakda ng lahat ng regional directors ng DepEd habang ang kasalukuyang gawi ay nagpapalit-palit ang mga Undersecretaries ng DepEd sa pamumuno ng komite na siyang namamahala sa palaro.
May mga lungsod at probinsiya na ang ilang beses nang naging host ng Palarong Pambansa subalit ni minsan ay hindi pa natikman ng lungsod ng Baguio ang karangalang maging punong-abala kahit pa malaki naman ang kuwalipikasyon maliban sa taguring Summer Capital ng Pilipinas nito.  Minsan sa nakaraan ay naging dako ito ng mga pagsasanay ng mga pambansang atleta sa ilalim ng Gintong Alay program na nagbigay karangalan sa bansa at humubog sa magigiting at mahuhusay na manlalaro at atleta.
Ngayon na at hindi kailanman dapat maging punong-abala ang lungsod ng Baguio para sa Palarong Pambansa 2018 dahil dito lamang sa lungsod akma ang taguring “Coolest Palaro”. Subalit upang maging lubos na maging malakas ang tiyansa ay tama lamang na ipakita ng mga opisyal at iba’t ibang sektor ng Baguio, La Trinidad at buong probinsiya ng Benguet ang pagkakaisa upang maipakita sa  Palarong Pambansa Board na karapat-dapat at handa na ang lungsod ng Baguio na maging host  at ito ay pinanindiganan nila sa paglunsad ng pagpirma ng lahat ng sektor sa isang Pledge of Commitment.
Palarong Pambansa 2018 sa Baguio, ngayon na!                                        PMCJr.

RELATED POSTS

LATEST NEWS

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

BAGUIO CITY (September 26, 2022)—Typhoon "Karding" did not directly hit the highland Cordillera though some 139 families in four provinces sought refuge to safer grounds, the social welfare department said. In Abra, 47 families consisting of 156 individuals were...

5 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO, ABRA

CAMP DANGWA, Benguet -- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang drug personalities matapos silang arestuhin sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City at Abra noong...

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor Benjamin Magalong, SM Assistant Vice President of Operations SM North 1 Jansenn Pe and SM Mall Manager Rona Correa led the unveiling...

PANGASINAN MANGPATAUD ITI SALT CENTER PARA PANAGSIRARAK, PRODUKSION

LINGAYEN, Pangasinan -Asidegen a mangipasdek iti probinsia a gobierno ti Pangasinan iti maysa a salt center iti probinsia tapno mapasayaat iti panagsirarak ken kamaudiananna iti produksion iti asin nga isut naggapuanan iti nagan ti probinsia. Iti maysa nga interbiu...

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

Affirming the Provincial Government of La Union’s support to the Philippine National Police’s commitment in securing a peaceful and orderly province, Gov. Raphaelle Veronica “Rafy” Ortega-David graced the 121st Police Service Anniversary celebration of the La Union...

DEVELOPERS MEET, DISCUSS SOLUTIONS FOR THE COUNTRY’S HOUSING INDUSTRY

As of 2017 , housing backlog estimated at 6.7 million ; developers target building two million for 2022 Every Filipino family aspires owning a home. Years, the Subdivision and Housing Developers Association, Inc. (SHDA) has relentlessly been trying to make that dream...

FACE MASK BOLUNTARYO NA ANG PAGGAMIT SA BAGUIO

BAGUIO CITY – Sa mga naasiwa na sa paggamit ng facemask ay nagbigay na ng signal si Mayor Benjamin Magalong at ang city council sa pamamagitan ng naaprubahang resolusyon na puwede ng hindi mag face mask o’ boluntaryo na lamang ang paggamit nito sa mga outdoor setting...

ADOPTED SON

ADOPTED SON

Iginawad ng provincial government ng Kalinga ang mataas na pagkilala kay PNP Chief Gen.Rodolfo Azurin,Jr., bilang adopted son ng Kalinga at pinangalanang "Inchakas" sa kanyang pagbisita sa lalawigan noong Setyembre 15, Photo by Kalinga PPO/ABN

MANNALON TI ILOCOS NORTE AGAPIT MANIPUD RICE HYBRID PROJECT

SUIDAD TI LAOAG, Ilocos Norte-Dagiti mannalon a nalipaset iti maysa a 160- hectare hybrid rice cluster technology demonstration project sadiay Ilocos Norte ket agapiten iti mulada inton sumaruno a lawas. Ipalgak dagiti nadumaduma a teknolohia ti panangpataud iti bagas...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Pin It on Pinterest