HINAGPIS, DALAMHATI

NITONG nagdaang araw ng mga puso, kabikabila ang mga pagbating buong lugod at galak na nagpalitan Ganyan ang diwa ng nagmamahalan, buong layang ipinahahayag ang alab ng damdaming humulagpos sa mga dinaranas ng mga kasalukuyang hamon. Sa hirap at dalamhati, pinagsamahang pagsaluhan ang katas na sa pagmamahal lamang bubukal. Sa dinaranas na pighati – ng pamamaalam, ng panlalamig, ng ano pa mang dinaramdam- hinahayaan lang
na isantabi, tuwiran lang na isinawalang kibo, marinig lang ang bukambibig na mga katagang nilunod ng mga
daluyong kinimkim ng kay tagal.

Nitong linggong nagdaan, isa na namang malapit na kaibigan ang tinawag ng kalangitan upang panimulan ang buhay na walang hanggan. Siya ay mabuting tao. Mabuti sa lahat ng bagay ng pakikipagkapwa-tao. Hindi lamang pamilya ang trato sa kanya, kundi pamilya ang turing niya sa amin. Napakaaga ng kanyang pagkakahirang na makasama ang Panginoon Hesus . Sa edad na hindi pa naabot ang kalagitnaan ng pagiging higit sitenta, siya ay tinawag na na tahakin ang landas tungo sa kaitasan.

NENITA OCAMPO OSIT ang kanyang ngalang pormal. Nitz ang ngalan niya sa aming mga malalalapit sa kanyang buhay. Nitong Myerkoles ng gabi, habang ang mundo ay naiidlip, kanyang pinakawalan and huling hininga. Sa mga old timer na katulad natin, isang masayahing residente si Nitz habang naghahanap buhay dito sa Baguio noong dekada sisenta. Tradisyong Pilipino ang ipagdiwang ang galak ng muling pagkikita sa mga esoesyal na panahon ng
pagsasama-sama. Dalawang pagkakataon na muling magkita-kita ang mga myembro ng pamilya – ang pagsilang ng
dagdag-anak at ang pagkasawi ng isang mahal sa buhay.

Nitong mga huling araw, ating nasamahan ang pamilya naman ng Osit at Ocampo sa hindi napapanahong
pagkakisan ni Nitz. Sya Ang maarugang maybahay ni George. Butihing ina. Mapagkalingang lola. Mapagmahal na kaibigan sa kanilang lugar sa Pandacan kung saan ang pamilyang Ocampo-Osit ay unti unting hinubog. Si Nitz ang ulirang babae na ginugol ang lampas kalahati ng 72 na taon sa pagiging tutoong tao. Buong kalapitbahay ng isang gusaling kanilang tinutuluyan ang nagdalamhati.

Ang kanyang pagpanaw ay gumulsntang sa kamalayan ng mga malalapit sa pamilya ni Nitz. Ganyan katraydor ang
sakit na humagupit sa kanyang katawan. Ganyan ang agos ng buhay – kalmado ngayon, ngunit walang babala kapag
naging daluyong Nitz, habang inihihimlay ang iyong katawan, dalangin namin na maging tanglaw ang buhay na iyong ibinuhos bilang isang natatanging babae. Uliran sa bawat araw na iyong inihasik ng buong pagmamahal,
katapatan, at kabutihan. Hindi mo iniwan ang mundong ginalawan. Ang iyong buhay ang syang magbibigay liwanag sa mga landas na aming tatahakin pa.

Tanggapin mo ang munting pagpupugay mula sa aming lahat na biniyayaan ng galak at tuwang kailanman ay hindi papanaw. Sadyang ganito ang agos ng buhay Pilipino. Kapag nilakbay na ang hangganan, kapag buhay na lamang sa
alaala, ang inulila ay bukal sa pagtanggap ang siphayo ng pagkawala. Kung ang agos ng buhay ay mistulang bula na inililipad sa papawirin, ganoon din ang kamatayan – biglaan sa Ilan, inaasahan sa may alam. Ngunit ang hapdi ng
kawalan ay hindi napapawi ng ganun-ganun lamang. Tumitindi, humahampas, humahagupit.

Kaya naman, ang buhay at pagkamatay ay pantay lamang sa hirap at sakit ng mga naiwanan. Ulila sa ngayon,
lumipas man ang madaliang panahon. Hindi presyo, bagkus ay halaga ang pagsukat sa anumang buhay. Ang kamatayan ay hangganan lamang. Mayroon pang antas na tatawirin at lalampasan. Ang buhay ay muling uusbong at
lalago sa bugso ng galaw at sigla ng muling pagbangon.

Amianan Balita Ngayon