Mula Oktubre 2024 hanggang unang kuwarto ng 2025, naglusad si Senator Raffy Tulfo ng relief operations Sipocot, Minalabc, Pili, Iriga at Goa sa Bicol region, Tarlac City at Paniqui sa probinsya ng Tarlac at Batangas City upang makiisa sa mga biktima ng sakuna. Bilang pagugon sa mga reklamo sa transportasyon, ininspekyon ni Tulfo ang Binangonan Port at North Harbour Bus Teminals DLTB Bus Co., JAM Transit, JAC Liner, LLI Bus Terminal, Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX), Five Star Bus Terminal, and Baliwag Bus Liner Terminal.
Tinungo din ni Tulfo at mga taga Dept. of Migrant Workers (DMW) noong Marso ang mga OFW accommodation houses sa Metro Manila upang makita ang kalagayan ng mga pasilidad dahil sa mga reklamo nang substandard living conditions, siksikang kwarto, sanitasyon at kakulangan sa safety gears gaya ng fire extinguishers at emergency exits. Ininspeksyon din ni Tulfo ang Mactan-Cebu International Airport (MCIA) dahil sa “tanim-bala” (bullet evidence planting) ng isang pasaherong babae noong Marso. Nirebisa ang airport
security protocols, X-ray screening process, at nakipagpulong si Tulfo kay MCIA General Manager Julius Neri Jr.
Sa sorpresang inspeksyon sa Cebu North Bus Terminal (CNBT) nakita rin ang mga paglabag sa safety mechanisms, expired fire extinguishers, pudpod na mga gulong at iba pang maintenance issues. Tinungo din ni Tulfo kasama ang LTFRB, LTO at TESDA ang mga motorpools ng Cisco Bus Co./Five Star Bus Company Inc., Victory Liner Inc., and GV Florida Transport Inc. Bukod sa kawalan ng mga
safety gears ng mga manggagawa gaya ng gloves, work boots, aprons, at safety goggles, maduduming maintenance machines at hindi
angkop na mga maintenance protocols na maaring magdulot ng kapahamakan sa mga manggagawa gaya ng pagkakuryente at iba pang
disgrasya ang tumambad sa mga inspeksyon.
Marami rin sa mga mekaniko ang walang TESDA certifications at ilang kumpanya ang outdated ang mga training procedures at hindi maayos na ventilations sa mga motorpools. Nagbabala si Tulfo, bilang Vice Chairman ng Senate Committee on Labor and Employment, na makakarating sa Senado ang mga nakitang mga paglabag at kakulangan upang rebisahin at pagtibayin ang mga batas at kaukulang
implementasyon nito para sa kapakanan ng mga manggagawa. Kahanga-hanga ang pagtungo ni Tulfo sa mga komunidad at sektor ng lipunan bilang paggampan sa “oversight function” nito, dahil higit na makakatulong ito sa kanyang paghulma ng mga batas na kapakipakinabang sa mga mamamayan bilang kanyang “legislative duty”.
May 31, 2025
June 24, 2025
June 24, 2025
June 24, 2025
June 24, 2025
June 24, 2025