Hiwaga at alindog ng Yamashita Treasure, patuloy pa rin?

Mar 25, 2017

Ilang dekada na ba ang nakakaraan nang sumiklab ang ikalawang digmaang pandaigdig at sinakop ng bansang Hapon sa pamamagitan ng Imperial Army nito sa pangunguna ni General Tomoyuki Yamashita, isang apelyidong hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakalimutan at tila naging mahalagang bahagi ng kasaysayan ng Pilipinas.
Naging matunog at nag-iwan ng pinag-usapang alamat si Yamashita nang diumao’y sa panahong bago at malapit na silang masukol at mapasuko ng Allied Forces sa pangunguna ng Estados Unidos ay nagbaon daw ang mga sundalong hapon ng mga kayamanang nakamal nila mula sa mga bansa sa Asya sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas. Dahil dito ay maraming istorya ang sumibol at maraming tao ang pumatol sa istoryang ito at naging mga “treasure hunters”.
Lalong uminit at umugong ang alamat ng Yamashita Treasures nang lumutang ang istorya noong dekada ’70 na diumano’y pinahirapan si Gerry Roxas na siya raw nakahukay sa Golden Buddha ng noo’y Presidente Ferdinand Marcos upang mabawi lamang ang kayamanan.
Ang alindog ng Yamashita Treasures ay nagpatuloy na marami na ring napaulat na naaresto, nadisgrasya at namatay dahil na rin sa paghahanap at paghukay sa mga kayamanang ito gaano man ito kalalim at mapanganib. Marami silang treasure hunters, ang ilan ay lisensiyado pa at ang ilan ay hindi, subalit wala pang nagsasabi at umaaming nakahukay na nga sila sa kabila ng maraming istorya ng biglang yaman.
Ilang buwan na rin ang nakalipas mula pa noong nakaraang taon nang may isang grupo ng mga treasure hunters na ikinakatawan ni Eliseo Cabusao ang humingi ng exemption mula sa konseho ng Baguio para makapaghukay sa may bahagi ng Baguio Convention Center gamit ang makabagong instrumento na ayon sa kanila ay pinatibay pa ito ng tinatawag na “live pointer” na isang 90 anyos na hapon na itinuro sa kanila ang mismong lugar ng kayamanan. May ordinansa (city environmental code) ang lungsod na ipinagbabawal ang paghuhukay (treasure hunting) saan mang lugar sa lungsod. Subalit nakakuha ang grupo ni Cabusao ng treasure hunting permit mula sa National Museum of the Philippines at ito ang ginamit nilang dokumento upang makakuha ng exemption sa ordinansa. Kamakailan ay pinayagan ng konseho ang grupo ni Cabusao upang i-explore ang nasabing lugar at kung totoong mayroon nga itong laman ay kailangang i-rehabilitate ang lugar at kukunin ng national government ang 35 porsiyento, 35 porsiyento sa pamahalaang lungsod at maiiwan ang 30 porsiyento sa humukay.
Nananatiling palaisipan pa rin at kailangan mapatunayan ang pagkakaroon ng ibinaong kayamanan, at kung ang pangingibabaw ng permiso ng NMP laban sa ordinansa o kodiko ng lungsod ang makapagpatunay ay maaari tayong magpasalamat sa grupo ni Eliseo Cabusao dahil malaking pakinabang ito sa lungsod. Subalit maging pahiwatig sana ito sa anumang kahihinatnan mabuti man o hindi sa ibang panig ng bansa na nagnanais sumubok din sa naging hakbang ng grupo ni Cabusao. Pmcjr.

RELATED POSTS

LATEST NEWS

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

BAGUIO CITY (September 26, 2022)—Typhoon "Karding" did not directly hit the highland Cordillera though some 139 families in four provinces sought refuge to safer grounds, the social welfare department said. In Abra, 47 families consisting of 156 individuals were...

5 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO, ABRA

CAMP DANGWA, Benguet -- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang drug personalities matapos silang arestuhin sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City at Abra noong...

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor Benjamin Magalong, SM Assistant Vice President of Operations SM North 1 Jansenn Pe and SM Mall Manager Rona Correa led the unveiling...

PANGASINAN MANGPATAUD ITI SALT CENTER PARA PANAGSIRARAK, PRODUKSION

LINGAYEN, Pangasinan -Asidegen a mangipasdek iti probinsia a gobierno ti Pangasinan iti maysa a salt center iti probinsia tapno mapasayaat iti panagsirarak ken kamaudiananna iti produksion iti asin nga isut naggapuanan iti nagan ti probinsia. Iti maysa nga interbiu...

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

Affirming the Provincial Government of La Union’s support to the Philippine National Police’s commitment in securing a peaceful and orderly province, Gov. Raphaelle Veronica “Rafy” Ortega-David graced the 121st Police Service Anniversary celebration of the La Union...

DEVELOPERS MEET, DISCUSS SOLUTIONS FOR THE COUNTRY’S HOUSING INDUSTRY

As of 2017 , housing backlog estimated at 6.7 million ; developers target building two million for 2022 Every Filipino family aspires owning a home. Years, the Subdivision and Housing Developers Association, Inc. (SHDA) has relentlessly been trying to make that dream...

FACE MASK BOLUNTARYO NA ANG PAGGAMIT SA BAGUIO

BAGUIO CITY – Sa mga naasiwa na sa paggamit ng facemask ay nagbigay na ng signal si Mayor Benjamin Magalong at ang city council sa pamamagitan ng naaprubahang resolusyon na puwede ng hindi mag face mask o’ boluntaryo na lamang ang paggamit nito sa mga outdoor setting...

ADOPTED SON

ADOPTED SON

Iginawad ng provincial government ng Kalinga ang mataas na pagkilala kay PNP Chief Gen.Rodolfo Azurin,Jr., bilang adopted son ng Kalinga at pinangalanang "Inchakas" sa kanyang pagbisita sa lalawigan noong Setyembre 15, Photo by Kalinga PPO/ABN

MANNALON TI ILOCOS NORTE AGAPIT MANIPUD RICE HYBRID PROJECT

SUIDAD TI LAOAG, Ilocos Norte-Dagiti mannalon a nalipaset iti maysa a 160- hectare hybrid rice cluster technology demonstration project sadiay Ilocos Norte ket agapiten iti mulada inton sumaruno a lawas. Ipalgak dagiti nadumaduma a teknolohia ti panangpataud iti bagas...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Pin It on Pinterest