LUNGSOD NG BAGUIO – Bumaba ang hospital care utilization rate ng lungsod sa moderate risk kasunod ng pagbaba sa bilang ng mga kaso ng Corona Virus Disease (COVID) 2019 na naitatala sa nakalipas na ilang linggo.
Inihayag ni City Health officer Dr. Rowena Galpo na ang overall health care utilization rate ng lungsod ay 63.73 porsiyento na ngayon na nahahanay sa ilalim ng moderate risk kumpara sa nakaraang critical at high risk utilization rates mula ang biglang pagdami ng mga kaso
ng Covid-19 sa nakaraang mga buwan.
Ang Pines City Doctors Hospital, na may 110-bed capacity, at ang Saint Louis University (SLU) Hospital of the Sacred Heart, na may 120- bed capacity, ay puno pa rin hanggang sa ngayon habang ang Notre Dame de Chartres hospital, na may 125-bed capacity, ay nasa 68 porsiyentong okupado.
Isa pa, ang Baguio General Hospital and Medical Center (BGHMNC), na may 600-bed capacity, ay nasa 59.91 porsiyentong okupado at ang Baguio Medical Center(BMC) na may 24-bed capacity, ay nasa 25 porsiyentong okupado hanggang sa petsang ito.
Sinabi niya na sa available isolation beds, ang occupancy ng mga isolation beds ng iba’t-ibang private at public health facilities ay nasa 73.15 porsiyento; available wards ay 43.46 porsiyentong okupado; intensive care unit (ICU) beds ay 77.94 porsiyentong okupado; at mechanical ventilators ay 53.7 porsiyento.
Sa kabilang banda, iniulat ng city health officer na ang bed occupancy ng ilang isolation units sa lungsod ay bumagsak sa 23.7 porsiyento lamang.
Ang Baguio Teachers Camp Roxas hall ay may pinakamataas na bed occupancy sa 25.9 porsiyento sumunod ang Baguio City Community Isolation Unit na nasa dating Sto. Nino hospital na 24.3 porsiyento, ang Baguio Teachers Camp Magsaysay Hall quarantine facility at ang Ferioni Apartment ay may parehong occupancy rate na 20 porsiyento, ang Laurel Dormitory na isang isolation facility para sa mga health
worker ay nasa 16.8 percent occupancy habang ang central triage quarantine facility ay nananatiling hindi okupado.
Hindi na ginagamit ng pamahalaang lungsod ang Baguio Teachers Camp Hernandez Hall bilang isang isolation facility at pinalitan sa paggamit ng staff house, Quirino at Romulo halls upang masilbihan ang pangangailangan ng mga pasyente ng COVID-19 na kinakailangan sumailalim sa isolation sa kamakailang biglang pagtaas ng mga kaso dulot ng mas nakakahawang Delta variant.
Isa pa, siniguro ng Baguio Teachers Camp management ang kahandaan ng Escoda Hall sakaling mapuno ang kasalukuayang isolation facilities sa panahon ng biglang pagtaas ng mga kaso sa nakalipas na ilang buwan ngunit nananatili pa rin itong hindi nagagamit kasunod ng pagbaba ng mga kaso nitong nakaraang ilang linggo na nakatulong paluwagin ang mga ospital at isolation centers.
Ang Baguio City Community Isolation Unit ay may kabuuang bed capacity na 350 sumunod ang Baguio Teachers Camp Roxas, Romulo and Magsaysay halls ay may magkasamang bed capacity na 427, Laurel dorm – 101 beds, central triage quarantine facility – 12 at Ferioni apartment – 30 beds.
Sarado din sa operasyon ang Eurotel na kinuha sa pamamagitan ng Oplan Kalinga sa ilalim ng Office of Civil Defense (OCD).
(DAS-PIO/PMCJr.-ABN)
November 6, 2021
November 6, 2021
July 5, 2025
July 5, 2025
July 5, 2025