Physical barriers sa mga lokal na PUJ mananatili

LUNGSOD NG BAGUIO – Pinapayagan ang mga public utility jeepneys (PUJs) sa lungsod na panatilihin ang 70 porsiyentong carriage capacity ngunit kailangang nakalagay pa rin ang mga physical barrier upang masiguro ang distansiya at mapaliit at banta ng hawaan ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) sa mga mananakay na publiko.
Sinabi ni executive assistant IV Atty. Althea Alberto ng City Mayor’s Office na isang executive order sa carriage capacity ng mga lokal na jeepney ang ilalbas sa susunod na mga araw.
Sinabi niya na inuutusan ang mga driver ng PPUJ na palagiang idis-infect ang mga harang sa loob ng kanilang mga sasakyan gamit ang disinfectant materials na maaari nilang makuha sa City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO).
Sa utos ni Mayor Benjamin Magalong ay nakipagkita si Alberto noong Nobyembre 4, kay CDRRMO chief Antonette Anaban; Engr. Carame ng Health Services Office; Engrs. Borillo, Tan at Camiring ng City Engineering Office; Atty. Jessie Balagotngf Department of Transportation; Atty. Laird Urbanozo, Engr. Elmer Mendoza, Regional Dir. Lalaine Sobremonte ng LTFRB-CAR; at P/Maj. Roldan Cabatan ng Baguio City Police Office, upang pag-usapan ang bagay na ito.
Bagaman isang kamakailang memorandum circular ng Land Transportation Office na nagsasabi na hindi na kailangan ang mga physical barrier subalit hindi naman ipinagbabawal, nagdesisyo ang grupo na maging maingat at panatilihin ang mga harang para sa kaligtasan ng mga pasahero dahil nasa ilalim pa ng level 3 ang lungsod na may moderate risk, ani Alberto.
Inulit niya ang panawagan ni Mayor Magalong para sa istriktong pagsunod ng publiko sa minimum public health standards and magpabakuna na sila.
(GPK-PIO/PMCJr.-ABN)

Amianan Balita Ngayon