Sa panahon ng kahirapan ngayon dulot ng pandemya biglang dami ang nagsimute ng CoC sa iba’t ibang posisyon mula sa tatlong sulok ng ating bansa. May magpa-pamilya,may mga sports player, mga artista at mga taong individual na kahit walang alam sa batas ay sumabak sa pulika.
Maraming artista ang pumasok na sa pulitika, dahil siguro sa kawalan na ng kita sa pelikula. May mag-ama, maglalaban sa padamihan ng pera, may isang pamilya nagpapalitan ng posisyon at nagtatalaga kanilang mga kaalyado para mahawakan ang buong lalawigan.
Siyempre, kapag ikaw ay isang pulitiko, ikaw ang siga,makapangyarihan at magagawa ang lahat ng gusto. Mabibilang lamang taong pumasok sa pulitika na talagang serbisyo sa bayan ang hangarin, hindi gaya ng iba na kapag pulitiko na ay puro pulitika ang inaatupag at kung makaipon para sa susunod niyang pagtakbo.
Sana naman ay magising ang mga botante, huwag yong binigyan kayo ng pera at ayuda tuwing may halalan ay iboboto ang isang tao na walang alam kundi ang magpayaman. Tignan ninyong mabuti ang katauhan at kaladad ng isang kandidato. Isipin muna ng 10 beses kung tama ang iboboto ninyo.
Mahirap kasi pag nanalo na ay hindi na kayo kilala. Ika nga, madaling lapitan,pero mahirap hanapin. Totoo, panahon ngayon ng kahirapan, pero isaalangalang niyo naman ang kapakanan ng bayan, hindi ang pang sarili lamang. Dito sa ating siyudad ng Baguio, 38 ang tumatakbong
konsehal at ilan lamang sa kanila ang kilala na may anking talino sa paggawa ng batas.
Iilan din sa kanila ang totoong may malasakit para sa bayan. Sana naman ulit, ihalal natin ang hindi lamang sa paggawa ng batas magaling, kundi pati sa serbisyo sa kapwa at bayan at hindi yong hindi mo makita sa panahon ng kalamidad at pandemya.
Marami ang mahuhusay at nakikita nating may malasakit sa bayan ang kandidato ngayon at marami din sa kanila ang hindi gagawing negosyo ang pulitika.
Attention: CEO at TMB Panawagan ko naman sa ating Traffic Management Bureau at City Engineers Office na namamahala sa trapiko at paglalagay ng mga jeepney terminal, na ipaalam niyo din sa barangay officials na paglalagyan para naman hindi mag-mukhang tao ang mga barangay officials na inihalal para pangalagaan ang kanilang nasasakupan.
Eto naming ilang jeepney association na porke iniagay sila ng CEO at TMB (na kanilang panlaban sa barangay officials) ay wala ng pakialam kahit nakahambalang na ang kanilang pagpaparada at nagdudulot ng trapiko, lalong-lalo na dyan sa Otek St.
Halimbawa po, itong mga jeepney ng Irisan, sibakop na nila at ginawang parking area ang lower Chugum at kalahating side ng Otek St., pati na ang City Camp jeep.
Di ba may sinusunod tayong limit ng jeep na paparada lamang sa kanilang terminal at hindi buong asosasyon nila ay gagawing paradahan ang kalsada.
At ang eatery sa MPDC sa kabila ng Igorot, ang laki ng signage na No Parking,pero ginawang terminal, kaya irtong mga eatery ay nagrereklamo dahil, usok mula sa tambutso ng jeep ang pumapasok sa kainan.
At pati jeep ng Atok Trail, nakaparada na sa No Parking zone. Ano ba yan. Sa patawag na miting kamakailan ni AZKCO Punong Barangay Jeff Cheng sa mga jeepney association para ayusin at jeepney terminal ay walang bukang-bibig na inilagay sila ng CEO at TMB.
Bakit hindi po ninyo pasyalan itong mga binanggit ko. Siguro sasabihin ninyo pansamatala lamang ito, pero ang sinasabi po natin, ipaalam naman sa barangay, kasi itong ilang jeepney association ay hindi rin marunong rumespeto sa barangay.
October 10, 2021
October 10, 2021
November 30, 2024
November 30, 2024
November 30, 2024
November 30, 2024
November 23, 2024
November 23, 2024