LAGAWE, IFUGAO – Hinikayat ni Department of Tourism (DOT) Secretary Bernadette Marie Puyat ang probinsiya na mag-invest sa farm tourism maliban sa eco-tourism.
Sa kaniyang mensahe sa ginanap na Gotad ad Ifugao na binasa ni DOT-Cordillera Regional Director Venus Marie tan, iminungkahi ni Puyat sa Ifugao na saliksikin ang potensiyal ng farm tourim na maaaring idebelop sa lahat ng munisipalidad.
“This farm tourism or the fusion of agriculture and tourism is one program that is closest to my heart as I have worked before with the agriculture sector and am now within the realms of the tourism sector,” aniya.
Kapag maayos na ginagamit, maaari itong magsilbing isa sa mga susi sa regional development dahil sa pagsasanib ng turismo at agrikultura, kapwa makikinabang ang parehong sektor dahil mapapalakas nito ang regional economy sa pamamagitan ng pagpapabuti ng kita at potensiyal na economic viability ng maliliit na magsasaka at rural communities, dagdag niya.
Idiniin ng opisyal na ang farm tourism sa Pilipinas ay binubuo bilang bagong tourism product na may layunin hindi lamang upang makaakit ng mga manlalakbay ngunit para rin makatulong sa mga local farmers na pag-iba-ibahin at dagdagan ang kanilang kita sa agrikultura.
“Although it is still far from being a major contributor to over-all tourism receipts, farm tourism aims to supplement the business model of farmers and explore new ways of generating income through tour packages that include planting, harvesting and creating value added products,” aniya.
Pinunto niya na nakakatugon sa hamon ng farm tourism at sustainable tourism practices ang probinsiya ng Ifugao, na mayroong tatlong haligi ng kaalaman na binibigyang-diin tulad ng pagtingin sa mga oportunidad na iminumungkahi ng pagsasama sa ASEAN, patuloy na pagpapabuti ng tourism manpower at mabagal na pagkain at mabagal na biya sa Cordilleras lalo na sa Ifugao.
Ibinahagi ni Puyat nang italaga siya upang mamuno sa DOT, iniutos sa kaniya na gawin ang mga pakinabang ng turismo na napapaloob sa lahat ng sektor ng lipunan na lahat ng tao lalo na ang mga mahihirap at ang mga underprivileged ay dapat ding makinabang sa mataas na paglago ng industriya ng turismo sa bansa. JDP/MBL, PIA-CAR IFUGAO / ABN
July 7, 2018